Sarah naka-21M sa isang araw

Sarah

Bongga, kumita pala ng P21 million ang pelikulang Miss Granny last Sunday. Take note, one day lang ‘yun.

Ayon sa Viva Films, ito umano so far ang first movie for 2018 na nag-gross ng P21 M sa isang araw.

In all fairness, lahat papuri ang natatanggap ni Sarah Geronimo sa nasabing movie na base sa social media release ng Viva ay almost P60 million na ang kinita as of yesterday.

Ang Miss Granny ay ang local adaptation ng Korean hit movie with the same title na nagkaroon na rin ng adaptation sa ibang Asian countries.

Show comments