Puwedeng hindi namukhaan ng bouncer si KaladKaren kaya hindi ito pinapasok sa isang bar and restaurant sa Poblacion, Makati City noong Linggo naging gabi.
Kahit yata nakilala ng bouncer ang impersonator ni Karen Davila, firm ang desisyon niya na harangin ang grupo ni KaladKaren dahil malutong na malutong ang dialogue ng mhin na bawal ang mga bakla sa kanyang binabantayan na bar.
Mga kapwa artista ang nakikisimpatiya kay KaladKaren at sa friends nito dahil sa kanilang embarrassing experience.
Mula nang i-post ni KaladKaren sa social media ang video ng pagtataboy sa kanila, binabatikos na ng mga tao ang management ng business establishment na ipinagbawal ang pagpasok ng mga member ng LGBTQ.
Malamang na maglabas ng statement ang management ng bar/restaurant para matapos na ang isyu na posibleng makakaapekto sa negosyo nila dahil well-loved ng fans si KaladKaren na na-offend sa naging trato sa kanya ng bouncer.
Sheena engaged na kay Jeron!
Kakaiba ang marriage proposal kay Sheena Halili ng kanyang fiancée na si Jeron Manzanero dahil nangyari ang memorable moment sa loob ng isang sinehan sa Greenhills.
Parang double picture ang pinanood ng mga tao dahil bukod sa pelikula, na-witness nila ang marriage proposal kay Sheena ng boyfriend nito.
Cry nang cry si Sheena na nagulat nang mabasa niya sa closing credits ng pelikula ang “Will you marry me?” proposal ng dyowa niya.
Kahit sinong babae ang nasa lugar ni Sheena, talagang mabibigla sa sorpresa na pinag-aralan at pinagplanuhan ni Jeron.
Mahirap kaya na pakiusapan ang management ng sinehan para ma-execute ang kakaibang marriage proposal na naisip ng boyfriend ni Sheena na original bestfriend ng bayan dahil ito ang madalas na role niya sa mga teleserye ng GMA 7.
Yasmien na-master na ang pagsakay ng jeep at tricycle
Sina Charee Pineda, Mike Tan, Martin del Rosario at Catherine Rem ang ilan sa mga co-star niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa mga mami-miss ni Yasmien Kurdi.
Natapos na ang taping ng afternoon drama series ng GMA 7 at vocal si Yasmien sa pagsasabi na siguradong mami-miss niya ang kanyang co-stars.
True friends ang trato ni Yasmien sa mga kasamahan niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka kaya literal na mahihirapan siya na iwan ang kanyang mga co-worker.
Kapag breaktime sa set, sama-sama na nagkakape sa isang coffee shop ang magkakaibigan. Kahit may mga sasakyan sila, sumasakay ang mga artista ng advocaserye sa tricycle papunta sa coffee shop na tatambayan nila.
Nagugulat ang mga tao na nakakakita sa kanila na hindi makapaniwala na sumasakay sa tricycle ang mga artista na napapanood nila sa afternoon drama series ng Kapuso Network.
Hindi big deal kay Yasmien ang pagsakay sa tricycle dahil nang huminto siya noon sa showbiz para mag-concentrate sa kanyang nursing course, sumasakay siya sa jeepney. Nabibigla rin ang mga co-passenger ni Yasmien dahil hindi nila lubos-maisip na sumasakay ng jeep ang aktres.
Anak ni Jolo, marunong makisama
Hindi naman mortal sin sa mga showbiz personality ang pagsakay sa jeep.
Alam n’yo ba na hangang-hanga si Lani Mercado sa kanyang apo na si Gab Revilla dahil sumasakay rin ito ng jeep, kahit may mga sasakyan sila na puwedeng gamitin?
Maganda kasi ang pagpapalaki ni Jolo Revilla sa kanyang anak na very down-to-earth at hindi spoiled brat.
Marunong makisama si Gab dahil ito ang nag-a-adjust sa mga tao na nakakasalamuha niya.