TNT singers, dadalhin ang all-star showdown sa Cebu
Mula sa Araneta, dadalhin ng pinakamagagaling na singers sa bansa ang nagbabagang tagisan sa kantahan sa Kabisayaan sa muli nilang pagsasama-sama sa TNT All-Star Showdown na gaganapin sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Setyembre 21.
Muli magsasama sa Cebu leg ng naturang concert ang Tawag ng Tanghalan grand champions na sina Noven Belleza at Janine Berdin, online sensation na si Sam Mangubat, at international big shot trio na TNT Boys.
Magsisilbi rin itong homecoming para kay Janine, pati na sa mga kapwa Cebuana na sina Marielle Montellano at Sheena Belarmino.
Bukod naman sa salpukan sa entablado, may dagdag pang sorpresa ang TNT singers sa fans na pupunta sa concert: isang after-party at meet-and-greet sessions.
Hindi rin magpapahuli sa kantahan sina Steven Paysu, Ato Arman, Anton Antenorcruz, Eumee, Froilan Canlas, Reggie Tortugo, at Arabelle Dela Cruz, kasama ang TNT Divas na sina Rachel Gabreza, Gidget Dela Llana, at Remy Luntayao, Cove na kinabibilangan nina Sofronio Vasquez, Christian Bahaya, at JM Bales, at ang comical threesome na Hala nina Hazelyn Cascano, Lucky Robles, at Alfred Relatado.
Maririnig din ng mga Cebuano ang tinig ng young-at-heart serenaders na The Erpats nina Rico Garcia, Antonio Sabalza, at John Raymundo, ang pinakabagong belter band na Bukang Liwayway nina Pauline Agupitan at Lalaine Arana, TNT Kids grand champion Jhon Clyd Talili, Jex De Castro, Aila Santos, at Mark Michael Garcia. Nauna na silang kinabiliban sa Araneta concert.
Panoorin na ang pinakamalaking vocal showdown ng taon sa Cebu at bumili na ng tickets na nagkakahalagang P4,500 para sa Platinum section, P3,800 para sa VVIP, P2,650 para sa VIP, P2,100 para sa Gold, P1,650 para sa Silver, at P450 para sa Bronze.
Mabibili na ito sa SM Tickets. Tawagan lamang ang 470-222 o mag-log on sa smtickets.com
- Latest