Paulo ramdam na may pinagdaraanan

Paulo

Ang feeling ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral, may pinagdaraanan si Paulo Avelino dahil sa emote nito na pumapasok sa isip niya na mag-retire.

Para magsalita nang ganoon si Paulo, true ang kanyang sinabi na hindi siya happy sa mga movie project na iniaalok sa kanya.

Hindi nag-iisa si Paulo dahil may ibang mga artista na ganoon din ang pakiramdam pero may mga paraan na ginagawa para hindi mawala ang pagmamahal o pagod na nararamdaman nila sa propesyon na nagbigay sa kanila ng fame and fortune.

Paolo at Aki patok sa tutorial video

Sobra ang closeness nina Paolo Contis at Aki, ang lovechild nina LJ Reyes at Paulo.

Kung hindi alam ng mga tao na si Paulo ang biological father ni Aki, iisipin nila talaga na si Paolo ang tunay na ama ng bagets.

Makikita naman sa mga video na ipino-post ni Paolo ang closeness nila ni Aki at ang affection nila sa isa’t-isa.

Aliw na aliw si Aki sa mga joke ni Paolo at bentang-benta sa kanya ang mga patawa ng “stepfather” niya.

Mabentang-mabenta sa followers ni Paolo ang tutorial video nila ni Aki na intelligent boy dahil alam nito ang difference ng open at often.

Hindi naman yata napapanood ni Paulo ang mga funny video nina Paolo at Aki dahil hindi siya follower ng karelasyon ng kanyang ex-girlfriend.

Matalinong bata si Aki kaya sure na alam nito na pareho at magkatunog pero magkaiba ang spelling ng pangalan ng kanyang biological father at ng lalake na nakagisnan niya bilang ama.

Miss Granny nagpasalamat

Nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules ang Miss Granny at after two days, nagkaroon agad kahapon ng victory at thankgiving party ang Viva Films at ang N2 Productions dahil sa success ng pelikula ni Sarah Geronimo na P7.8 million ang first day gross.

Expected na mas marami pa ang manonood ng Pinoy ­adaptation ng Miss Granny dahil pinag-uusapan nga na maganda, may aral tungkol sa Filipino moral values at mas bongga kesa sa original Korean version ang pelikula ni Sarah na showing sa 210 cinemas nationwide.

Joint project ng Viva Films at N2 Productions ang Miss Granny kaya ipinararating nina Boss Vic del Rosario at Neil Arce ang pasasalamat nila sa moviegoers na tumangkilik sa pelikula ni Sarah na pinupuri din ang acting dahil mas magaling siya ngayon na aktres.

Hindi lamang ang fans ni Sarah ang sumuporta sa Miss Granny dahil sinuportahan rin ito ng fans nina Xian Lim at James Reid.

Nagkaroon ng mga block screening ng Miss Granny ang fans ni Xian bilang suporta sa unang pelikula sa Viva Films ng aktor na iniidolo nila.

Signal Rock ibinalik sa Sine Lokal

Natuwa ako nang malaman ko na ibinalik din sa mga sinehan ang Signal Rock, ang pelikula ni Chito Roño na pinupuri ng mga film critic at ng moviegoers.

Tanggap ni Chito na last day ng Signal Rock sa mga sinehan noong August 21 kaya ang two-day screening sa Cine Adarna ng University of the Philippines sa September 4 at September 5 ang pinaghahandaan niya.

Pero may himala na nangyari. Dahil talk of the town ang Signal Rock, nag-decide ang SM Cinema management at ang Film Development Council of the Philippines na ipalabas sa lahat ng  mga Sine Lokal ang critically-acclaimed movie ni Chito.

Ang Sine Lokal ang mga sinehan sa SM Mall na nagpapalabas ng independent award-winning films na nagkaroon ng katuparan dahil sa kasunduan ng SM Ci­nema management at ng Film Development Council of the Philippines. Discounted ang ticket prices sa mga pelikula na napapanood sa Sine Lokal kaya malaking tulong ito sa mga estudyante na mahilig manood ng sine.

Show comments