PIK: Impressive ang special effects na napapanood ngayon sa Victor Magtanggol lalo na’t kapag nagiging Hammerman si Alden Richards.
Kaya tuwing nagpu-promote ang Pambansang Bae sa mga mall shows o kahit nung Kadayawan festival, yung hammer niya ang hinahanap sa kanya.
Bukas nga ay magkakaroon ng mall show sa Marquee Mall sa Angeles, Pampanga ang ibang cast ng Victor Magtanggol kasama ang bagong boyband na JBK na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio.
Present siyempre si Alden kasama sina Andrea Torres, Dion Ignacio, Kristoffer Martin at Lindsay Johnston.
PAK: Bagong facial si Christian Bables na dumating sa victory party ng Regal nung nakaraang Martes, kaya nakatakip ang mukha nito.
Sabi ni Manay Lolit Solis sa kanya; “Kaya ka nagtakip ng mukha para hindi ka makilala, baka pagkaguluhan ka?”
“Ay hindi po. Hindi po!” kaagad naman ng sagot ng bida ng Signal Rock.
Pero sabi nga ni Christian, hindi nga raw siya yung tipong kailangan magtago sa mga fans dahil hanggang ngayon ay mahilig pa rin daw siyang mag-ikot sa mga mall kahit marami na ang gustong magpa-picture sa kanya.
Tuwang-tuwa nga raw siya dahil ang bilis daw ng mga pagbabago pagkatapos nitong Signal Rock.
Ang isa na rito, lalo raw dumami ang mga offer sa kanya.
Ang gusto lang naman ni Christian na mabigyan lang daw ng bahay ang Mommy niya at tumigl na raw sana sa pagtatrabaho.
“Kapag nakaipon po ako, gusto ko pong bilhan ng bahay si Mommy. Pangarap ko ‘yun for her.
“Meron naman siyang bahay na naipundar pero, ayoko na po siyang nagwu-work. Gusto kong ako yung breadwinner ng family,” seryosong pahayag ni Christian sa 52 years old na Mommy niya.
BOOM: Mukhang nakabawi ngayon ang local movies natin dahil malakas ang first day showing ng Miss Granny ni Sarah Geronimo.
Hindi ko lang nakuha ng eksaktong figures, pero mahigit P10-M daw ang first day gross nito na talagang nakipagbakbakan din sa kasabay na Crazy Rich Asians.
Kung patuloy itong malakas lalo na sa weekend, puwedeng umabot daw ito ng halos P150-M, na sana ma-reach ang target ng Viva Films na P200-M.
Kaya lang papasok naman next week ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hinuhulaang papatok din sa takilya.
Magandang pambawi na rin ito sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino na hindi nga raw naabot ang gustong target ng FDCP.
Nung nakaraang taon kasi, naka-P140-M ang isang linggong gross. Pero ngayong taon ay mahigit P120-M lang daw.
Aminado naman doon si FDCP Chairperson Liza Diño na hindi nga ganun kaganda ang kinita ng PPP ngayong taon kahit maganda naman ang promo nito.
Ang isa raw kasi sa napagtanto nila ay pang-estudyante raw pala talaga ang PPP, at medyo may kamahalan na raw ang presyo ng ticket sa sinehan kaya isa ito sa iku-consider nila sa susunod na taon.