Momoland binisita sa bahay sina Manny at Jinkee
Dumalaw sa bahay nina Sen. Manny and Jinkee Pacquiao ang sikat na Korean all girl group Momoland sa Forbes the other night.
Yup, as in nagkaroon ang pamilya Pacquiao ng photo session with Momoland members na nagpasikat sa kantang BBoom BBoom na kinababaliwan ng mga Pinoy.
Kilalang K drama fanatic si Ms. Jinkee at nahawa na raw ang boxing champion sa kahiligan nito sa mga K drama and music.
Nagkaroon ng special show sa isang hotel casino ang Momoland.
Si former Ilocos Gov. Chavit Singson naman ang sumundo sa grupo nang dumating sila sa Manila the other day.
- Latest