Magkapatid na matagal naimpluwensiyahan ng madrasta, nakalaya na!

Minsan pang pinatunayan ng kuwentong ito ng aming source na hindi nanununog at nangunguryente na tunay na kadugo lang ang makapagbibigay nang sapat na pagmamahal sa kanyang mga anak.

?Walang makakapantay ang pagmamahal na puwedeng ibigay ng tunay na magulang, may kaya mang ibigay ang kasalukuyang karelasyon ng ating ama ay kulang na kulang pa rin ‘yun, lalo na kung paimbabaw lang.

?Ganu’n mismo ang nangyari sa relasyon ng magkapatid na parang iginuhit ng magaling na pintor ang kakisigan at ng karelasyon ng kanilang ama.

?Kuwento ng aming source, “Matagal na sanang nagkasundo ang mag-iina kungdi lang masyadong na-brainwash ng madrasta nila. Meron ba namang anak na hindi gustong makasama ang tunay nilang ina?

?“Natural, matagal nang plano ‘yun ng magkapatid, kaya lang, merong mga nagkokontrabida sa plano nilang sumama na sa mommy nila. Palagi silang kinokontra ng babaeng ‘yun na pinaniniwalaan naman ng father nila.

?“Pero nu’ng magkaisip na ang mag-utol, may nagawa pa ba ang girl? Hindi na niya kayang hawakan ang utak at pagdedesisyon ng magkapatid, kaya wala na siyang nagawa nu’ng hanapin ng mag-utol ang mommy nila,” simulang kuwento ng aming impormante.

?Ang akala ng buong mundo ay maganda ang samahan ng magkapatid at ng kanilang madrasta, pero kabaligtaran pala ‘yun, ngayong naging malaya na sila ay lumabas na rin ang katotohanan.

?Patuloy ng aming source, “Palagi silang nagtatalo, palagi silang may argumento. Kumikita na kasi ang mga bagets, pero pinakikialaman pa rin sila ng babaeng wala namang naging kahirap-hirap sa kanila. May gusto silang bilhin, kumokontra agad ang babae.

?“At ang masakit pa, agad na silang isusumbong ng babae sa daddy nila. Natural, sino nga naman ang mas pakikinggan ng father nila, e, napakagaling gumawa ng kuwento ng madrasta nila?

?“Pati tuloy ang daddy nila, e, nadadamay sa hindi nila pagkakasundo, wala namang magawa ang tatay nila, ipit na ipit kasi siya sa sitwasyon.

?“Maganda ang nangyari, malaya nang nakakasama ngayon ng magkapatid ang mommy nila, tunay na pagmamahal na ang natitikman nila, hindi ‘yung klase ng pagmamahal na pakitang-tao lang.

?“Ang buhay nga naman, parang bola lang ng basketball, palipat-lipat lang ng kamay, patalbug-talbog, pero sa bandang huli, hahanapin pa rin ang tunay na nagmamahal,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Coco pinatunayang mabuti ang puso

Nu’ng isang gabi ay opisyal nang bahagi ng seryeng Ang Probinsyano ang dating child actor na si CJ Ramos na naging laman ng mga balita dahil sa usapin ng ipinagbabawal na gamot.

?Nagpakatotoo naman ang aktor sa pagsasabing dahil sa matinding depresyon sa kanyang career ay tumikim siya ng droga, pero mahigit nang isang taon siyang tumigil, pero kung bakit natiyempuhan siya nang gabing ‘yun.

?Sa halip na gumawa ng kung anu-anong kuwento ay agarang umamin si CJ Ramos sa kanyang pagkakamali, nangakong hindi na uli magpapatangay pa sa bisyo, pagbabagong-buhay na ang kanyang konsentrasyon.

?Minsan pang ipinakita ni Coco Martin at ng Dreamscape na mga kamay na gagabay ang kailangan ni CJ, isang bagong pag-asa ang kailangan nilang ibigay sa magaling na aktor, tulad din ng oportunidad na muling ipinagkatiwala ng network kay JM de Guzman.

?Pagkatapos nang masinsinang pag-uusap ay nag-taping na agad si CJ sa Ang Probinsyano, maayos ang kanyang itsura, mahusay pa rin siyang umarte.

?Tama ang pagkakataong ibinigay ng produksiyon kay CJ. Ilaw nga naman ang kailangan ng naliligaw para makita ang tamang daan. Ngayon ay meron nang regular na trabaho si CJ Ramos, meron na siyang pagkakaabalahan, mawawala na sa kanyang isip ang anumang bisyong walang magagawang maganda sa kanyang buhay at career.

?Sabi ni prop, “Napakaganda ng puso ni Coco Martin, siya talaga ang ninong ng mga artistang nangangailangan ng trabaho. Huwag na sanang sayangin pa ni CJ Ramos ang ibinigay na opportunity sa kanya ni Coco.”

?Totoong-totoo.

Show comments