Winwyn isosoli na ang korona!

Winwyn

PIK: Dahil sa Victor Magtanggol, nai-invite na si Alden Richards sa ilang events ng kabataan para magbigay ng inspirational message.

Isa kasi si Alden sa ehemplo ng mga kabataan na talagang nagsikap nang husto para matupad niya ang kanyang pangarap, at nakamit nga niya ang mga ito.

Maganda pa raw itong seryeng Victor Magtanggol dahil napaka-positive ng kuwento at inspiring din sa mga kabataang inuuna ang kapakanan ng pamilya.

Lalong naging exciting ang takbo ng kuwento ng Victor Magtanggol, pero ang ilan sa mga feedback na nakakarating sa amin ay ang costume na suot ng Pambansang Bae.

PAK: Medyo teary-eyed si Alma Moreno pagkatapos niyang mapanood ang pelikulang Unli Life na nagsimula nang mag-showing kahapon.

Tuwang-tuwa siya sa pelikula na bumagay daw kay Winwyn Marquez na leading lady dito ni Vhong Navarro.

Proud si Alma, at pati si Joey Marquez na bahagi rin sa pelikula dahil maganda ang feedback pagkatapos ng screening nito nung nakaraang premiere night sa SM Megamall nung Lunes ng gabi.

Tawa lang nang tawa ang mga manonood kaya, tuwang-tuwa naman si Winwyn dahil maganda ang unang pelikula niya sa Regal.

Pagkatapos nga ng reign niya bilang Reina Hispanoamericana, magpu-focus na ang beauty queen/actress sa kanyang acting career pero tuloy pa rin daw ang nasimulan niyang advocacy na pagtulong sa mga kabataan lalo na sa kanilang edukasyon.

Sa October 7 kasi ay iri-relinquish na ni Winwyn ang kanyang korona bilang Ms. World Philippines-Reina Hispanoamericana, at sa November 3 naman ay nasa Bolivia siya para ipasa na rin ang korona niya bilang Reina Hispanoamericana.

“Ang pinakana-achieve ko sa title ko, ‘yung mga program ko for kids.

“Kasi more than 10 programs wala pa akong one year ginagawa ko yung program ko, more than a thousand kids na yung napuntahan namin.

“I went to Zamboanga. Nakapag-donate na kami ng more than one thousand books in different schools and different daycares. I also teach on the side.

“Dahil sa crown ang daming opportunity to help other kids eh. So, tuluy-tuloy yung community-engagement program ko,” pahayag ni Winwyn Marquez.

BOOM: Hindi lang namin ma-contact si Dingdong Dantes kaya hindi kami nakakuha sa kanya ng sagot kaugnay sa inilabas na press release ng production team ng Ang Probinsyano na humingi ng apology sa Kapuso Primetime King at sa pamilya nito.

Nakausap namin ang manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment at sinabi niyang hindi na raw kailangang sagutin pa iyun ng alaga niya.

Tama na raw iyung doon na nagtapos sa inilabas na press release ng Ang Probinsyano.

Show comments