Alden laging pinagmamalaki ang costume
MANILA, Philippines — Hindi maiwasan ni Alden Richards na ipagmalaki ang costume niya bilang si Victor Magtanggol sa tuwing suot niya ito dahil isang Pinoy designer ang may likha nito. Para sa kanya ‘ang sarap nitong ipakita sa buong Pilipinas’ dahil ipinakikitang hindi nagpapahuli sa international designers ang tunay na husay ng Pinoy.
Buong puso ring nagpapasalamat si Alden sa lahat ng tumutok sa kanyang GMA telefantasya simula nang umere ito kung saan hinahangaan ang mala-world class na special effects nito. Para kay Alden, ang creatives at post-production team ang may kagagawan nito at talagang saludo siya sa mga ito. Kuwento pa ni Alden ay excited na siya sa mga susunod pang adventures ni Hammerman.
Richard at Jodi, may pa-good vibes
Muling maghahatid ng good vibes ang kinakiligan ng lahat na Be Careful With My Heart simula Lunes (Agosto 20) sa Jeepney TV na napapanood na rin sa ABS-CBN TVplus.
Balikan ang mala-fairytale na kwento nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa muling paglalahad nito sa Be Careful With My Heart Rewind. Hindi lamang lokal na manonood ang pinasaya ng matagumpay na teleseryeng tumakbo ng dalawang taon. Ang New York Festival-nominated series ay sinundan at minahal din ng mga manonood sa ibang bansa tulad ng Malaysia at Vietnam.
Bukod sa nasabing programa, higit pang kasiyahan ang ibibigay ng Jeepney TV tuwing Sabado sa Doble Pasado Pelikula tampok ang mga palabas nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.
Mapapanood ang Bukas Luluhod Ang Mga Tala ng Megastar at ang Jack en Poy ni Marya sa Agosto 18. Ipapalabas naman ang tambalang Sharon at Richard Gomez na Kahit Wala Ka Na at ang Super Inday and the Golden Bibe ng Diamond Star sa Agosto 25.
Samantala, tuluy-tuloy na ang entertainment-oriented talk show na Showbiz Pa More sa season 2 nito. Makakausap ni DJ Jhai Ho si Robi Domingo sa Agosto 19. Bibida naman si Erik Santos bilang special guest ng nasabing talk show sa Agosto 26 at si Rommel Padilla sa darating na Setyembre 2.
Balikan ang kilig sa Be Careful With My Heart Lunes hanggang Biyernes, 6 PM, simula Agosto 20 (Lunes). Abangan ang Doble Pasado Pelikula tampok ang mga palabas nina Sharon at Maricel tuwing Sabado, 1 PM at huwag palampasin ang season 2 ng Showbiz Pa More, tuwing Linggo, 4 PM.
AiAi at Therese may napatunayan
Muli na namang pinatunayan ng GMA stars na sina AiAi delas Alas at Therese Malvar na hindi basta-basta ang talento ng isang Kapuso. Sa katatapos lang kasi na Cinemalaya awards night noong weekend, sila ang nakakuha ng pinakamatataas na parangal sa nasabing film festival. Ang The Clash judge ang nakakuha ng Best Actress Award para sa natatangi niyang pagganap sa indie film na School Service habang si Therese naman ang Best Supporting Actress dahil sa mga karakter niya sa mga palabas na Distance at School Service.
Hindi man nakadalo, taos-puso ang naging pasasalamat ni AiAi sa lahat ng bumubuo ng Cinemalaya dahil isa raw itong karangalang hindi niya makakalimutan; habang si Therese naman, tears of joy habang nagsasabi ng kanyang speech.
Kuwento nina Kylie, Sanya at Gabbi, tinutukan
Ang kulit at ang saya lang ng naging Sunday eve ning dahil sa kuwento nina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Para kasing naglalaro lang ang mga karakter nito na sina Winona, Willow at Winslet kaya no wonder na ito ang sinusundan ng mga chikiting sa bawat tahanan. Iba talaga ang powers ng tatlong ito.
Abangan kung anong susunod na mangyayari sa kuwento nila at kung sino ang makakasama pa nila.
- Latest