Allergic at bakwit – parehong naka-a sa CEB

MANILA, Philippines — Parehong Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang dalawang entry sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino na mag-uumpisa sa August 15 - Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi at Bakwit Boys.

Parehong maganda ang kuwento ng pelikula na ang una ay pinagbibidahan nina Sue Ramirez, Jameson Blake and Markus Paterson directed by Jun Lana.

Malaki ang papel ng wi fi sa lovestory ng isang senior high schooler sa magkapatid na parehong na-in love sa kanya. Maayos ang pagkakalatag ng kuwento at naka-deliver ang mga bida.

Ang Bakwit Boys ay kita ang sincerity ng story ng pelikulang dinirek ni John Paul Laxamana for T-Rex Entertainment. Starring sa musical movie sina Devon Seron, Vance Larena, Nikko Seagal Natividad, Ryle Paolo Santiago, Mackie Empuerto with Yayo Aguila and Boots Anson Roa.

Nauna nang sinabi ni Direk John Paul na passion project niya ang movie na tungkol sa magkakapatid na nabiktima ang pamilya ng kalamidad pero nagpursige na matupad ang pangarap sa pagkanta nang may isang tumulong sa kanila na nagkataon namang anak ng taong naging dahilan kaya hindi nakakabangon ang probinsiya nilang sinalanta ng kalamidad.

Parehong may aral at hindi kababawan ang kuwento ng Ang Babaeng Allergic sa Wi Fi at Bakwit Boys na sana naman ay tangkilikin ng fans. 

Show comments