Costumes ni Anne, lelebel kay Ariana Grande
Sa August 18 na gaganapin sa Araneta Coliseum ang AnneKulit: Promise Last Na ‘To concert ni Anne Curtis. Para sa aktres ay maaaring ito na ang huling pagkakataon na magkakaroon siya ng concert. “Last na ‘to because I’d rather concentrate more on acting and hosting. Igi-give up ko na ang singing career, last na ‘to. Parang ang feeling ko, last na ‘yon. Na-enjoy ko naman nang bonggang-bongga. Hindi naman kailangan na sobrang galing. Basta you put your heart into it,” nakangiting bungad ni Anne.
Dapat daw na pakaabangan ng mga manonood ang lahat ng costumes na isusuot ng aktres sa nasabing concert. “I know for a fact na this concert will be visually pleasing to the eye, entertaining to the eye. ‘Yung costumes ko pa nga yata mas mahal pa sa concert mismo. I have designers na gumagawa ng outfits for Ariana Grande, Cardi B. It has always been na parang fashion show ang aking mga concert,” pagbabahagi ni Anne.
Samantala, nakatakdang mag-honeymoon ng aktres at asawang si Erwan Heussaff sa Africa sa November. “After this concert, I think mas kokonti na ‘yung schedule ko. It will be more on Showtime na lang muna. We’re going on our honeymoon in November. May time na ako for him. We’re going to South Africa. We’re very excited because it will be a long leave. Kasi one year di ba bago mag-honeymoon? Pinagbigyan niya ako do’n, so I’ll give this to him naman,” pagtatapos ni Anne.
Kean nakitaan agad ang anak ng interes sa showbiz
Mahigit dalawang taong gulang na ang anak nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na si Stellar. Ayon kay Kean ay nakikitaan nila ng potensyal ang bata at posibleng susunod sa mga yapak nila ng aktres. “Mahilig siya kumanta, mahilig siya sumayaw. It’s crazy when you see your child running around and nakikita mo ‘yung sarili mo sa kanya somehow. Basta kung ano ang gusto ng anak ko, suporta ako sa ngayon. Kasi wala siyang mind to like really decide on something. Ako alalay lang ako. Kung gusto niya, she will always be the compass. Kung ano’ng gusto niya. Suportahan ko ‘yan, anak ko ‘yan eh,” pahayag ni Kean.
Kung ang singer-actor lamang ang masusunod at gusto lamang nitong ma-enjoy ng anak ang kabataan. “Gusto ko lang siyang mag-play school. Gusto ko lang siyang mag-enjoy na two years old siya. She’s thinking about having fun and just playing. So play school muna siguro before all the workshops,” giit ni Kean.
- Latest