Jillian masyadong nagmamadali

Jillian

At 13, nagdadalaga na si Jillian Ward. Bago pa natin mapansin, lumaki na pala siya sa ating paningin. Soon, kakailanganin na niya ng loveteam. After Sa Piling ni Nanay kasama pa rin siya sa Daig Kayo ng Lola Ko, isang pambatang panoorin pero, nangangarap na siyang gumanap ng mga mature roles na katulad ng gina­gampanan ng idol niyang si Marian Rivera, at her age?

Matatagalan pa ang paghihintay na gagawin niya dahil kahit ganun kabilis ang pagdadalaga niya, hindi ganun kabilis siyang matatanggap ng mga manonood sa mature roles na wish niya.  Huwag siyang magmadali!

Miho sa text lang nakipaghiwalay kay Young JV

Wala na naman palang boyfriend ang PBB alumna na si Miho Nishida. Matapos silang mag-break ni Tommy Esguerra ay nakuha niya ang simpatiya ng marami na nag-akala na basta na lamang siya iniwan nito nang makalabas sila ng Bahay ni Kuya at makapamayagpag ng pakpak.

Everyone thought na knight in shining armor niya si Young JV na nagbigay sa kanya ng new lease in her lovelife. Pero, bakit bigla na lamang silang naghiwalay at sinasabing siya ang nag-initiate ng kanilang breakup at sa cellphone lamang?

Ni walang usapan, isang text message lamang at yun na! Tsk. Tsk. Tsk.

Mga anak ni Ogie pinaghahandaan ang pasabog sa kanyang concert

Tampok ang tatlong anak ni Ogie Alcasid na sina Leila at Sarah (sa dating asawa niyang si Michelle van Eimeren) at si Nate (Nathan, kay Regine Velasquez) sa kanyang 30th anniversary concert. Si Regine andun din.

Bagaman at nauna nang mag-showbiz ni Leila kaysa sa dalawa niyang nakakabatang kapatid, pinakaaabangan pa rin ang dalawa dahil ngayon lamang sila mapapanood na mag-perform in public, marunong ba sila, kasing-galing ba sila ni Leila o nina Ogie at Regine? Susunod na rin kaya si Sarah na mag-showbiz dito kay Leila? Let’s wait kung anong pasabog ang gagawin ng magkakapatid sa concert ng kanilang ama.

Kung bahagi ng anibersaryo ni Ogie ang kanyang OA concert sa August 24 sa Smart Araneta, ganundin ang pelikulang Kuya Wes na kasali sa ginaganap sa kasalukuyan na Cinemalaya sa CCP at mga piling sinehan ng Ayala Malls.

Mismong si Ogie ang producer ng pelikula. Kung susuwertehin ito sa takilya baka ituluy-tuloy na niya ang pagiging producer.

Aljur at Kylie chill lang sa kasal

Nakaka-one year na pala si Alas Joaquin Abrenica (hindi naman siguro Padilla ang gamit nitong apelyido) pero, until now wala pang wedding na nagaganap sa pagitan ng kanyang mga magulang na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na pinaka-hihintay ni Robin Padilla.

Ano kaya ang reason at hindi nila minamadali ang kanilang kasal? Pinalalaki pa ba nila si Alas para maging bahagi ng kanilang wedding entourage? O totoo ang kumakalat na kuwento na bago matapos ang 2018 ay magpapalitan na sila ng ‘i do.’

Madz nag-effort para sa mga scholar

Ganda ng Linggo ko dahil isinama ako ng anak ko na manood ng reunion concert ng Madrigal Singers na kung saan ay nirevive nila ‘yung naging panalo nila sa European Grand Prix for Choral Competition 20 years ago.

Ang tagal na pero, magaling pa rin sila at perfect pa rin ang blending ng boses nila. Ito ay sa kabila na marami sa Madz ay based na sa abroad at umuwi lamang para makatulong sa pag­likom ng pondo na regular na ginagawa ng Madz sa pamamagitan ng paggawa ng concert at recitals para sa libreng pag-aaral ng musika ng mga mga napili nilang scholar. Mabuhay kayo Madz.

Show comments