Ruru enjoy na enjoy pag pinaglalawayan ang katawan
Laging mabango ngayon ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. As in laging humalimuyak ang kanyang amoy.
Ang rason, endorser na siya ng isang brand ng pabango ng Ardeur World Marketing Corporation na ang mga may-ari ay isa ring miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Isang INC si Ruru.
Last week ay nagkaroon na siya ng contract signing sa nasabing kumpanya.
Tayo nga namang mga Pilipino ay masyadong conscious sa personal grooming and staying fresh sa buong araw. Pero dahil nga sa ating klima na hindi mo rin naman maintindihan minsan, hindi mo talaga maiwasan na pawisan. Kaya naman karamihan sa atin ay umaasa sa ginagamit nating perfumes para maging kaaya-aya ang amoy na magbibigay sa atin ng confidence sa buong araw.
At ‘yun ang rason kaya mabilis na tinanggap ni Ruru ang offer ng Ardeur de France, ang French inspired Eau de Parfum, na ayon sa Kapuso actor at tumatagal ang amoy ng 24-48 hours. May 12 scents ang nasabing brand for for men and women na nadadagdagan pa.
Ayon pa kay Ruru, so far, nakabenta na ang Ardeur ng 200,000 bottles. Kasama ni Ruru sa pirmahan ng kontrata ang may-ari ng kumpanya – Bismarck Turingan (Chairman), Arven Valmores (President), Poj Obien (Marketing Director).
Anyway, bukod sa amoy, isa ring pinagbubuhusan ng oras ni Ruru ay ang pag-aalaga sa kanyang katawan. Talagang todo work out siya.
At instead na ma-offend, nag-e-enjoy si Ruru na pinaglalawayan ang kanyang katawan na well toned ng mga bading at kababaihan.
- Latest