Kauna-Unahang Filipino anime series, may mobile game na
MANILA, Philippines — Sa October pa nakatakdang umere ang upcoming series na Barangay 143 pero ngayon pa lamang ay marami nang nae-excite rito.
Ang Barangay 143 ay ang kauna-unahang Filipino Anime series. Co-produced between Synergy88, TV Asahi (Japan) and August Media Holdings (Singapore), tampok din sa nasabing programa sina Cherie Gil, Alice Dixson, John Arcilla, Julie Anne San Jose, Kelley Day, Migo Adacer, at Ruru Madrid.
Ang Barangay 143 ay isang feel-good series. Tungkol ito sa batang Koreano na hinahanap ang kanyang ama at ang paghahanap niya rito, napunta siya sa Pilipinas.
“Philippines has a vibrant TV and film industry with a rich culture of storytelling. Right from the onset we were determined develop the show right here so that it captures the essence of life in Manila. I am immensely proud of what we have finally created in Barangay 143”, sabi ni Jyotirmoy Saha, CEO ng August Media Holdings
Mas aabangan ito ng fans dahil bukod sa digital, mae-enjoy din ito sa print maging sa consumer products. Available na rin ang Barangay 143 Street League mobile game sa Google Play Store for Android at sa Apple Store.
“Within the series, the comic strip and even the game we have tried to capture the real-life experiences of the Philippines through the art and the sounds,” pagbabahagi ni Jackeline Chua, Managing Director and Co-Founder of Synergy88 Digital. “With Barangay 143 Street League we also created a unique experience that helps players compete with friends in cyberspace but get their wins rewarded in the real world.”
Tiyak na marami ang makaka-relate sa bagong series na ito na sa Tondo ang backdrop at maraming ipi-feature na original music ng mga Pinoy.
- Latest