Star Cinema biglang naging maluwag sa mga artista?!

Kim

Madali na raw ngayon manghiram ng artista sa ABS-CBN. Simula raw nang maging head ng Star Cinema, film outfit ng ABS-CBN, si Direk Olive Lamasan.

Noon daw kasing si Ms. Malou Santos ang in charge dito, pahirapan ang panghihiram. Pero simula raw nang maging si Direk Olive, nakikita na kahit sa mga indie films ang mga Kapamilya star.

Like si Zanjoe Marrudo may short role sa Pista ng Pelikulang Pilipino official entry na Madilim ang Gabi starring Phillip Salvador and Gina Alajar. Si Kim Chiu ay naipahiram sa Regal Films, si Arci Munoz ay may special participation sa pelikulang Harry and Patty.

Show comments