May TF kaya?
Ilo-launch na sa Friday bilang ambassador ng Build Build Build project ng Department of Public Work and Highways (DPWH) sina Sen. Manny Pacquiao and Robin Padilla.
Yup, hindi pelikula ang sino-shoot nina Sen. Manny and Robin kundi isang commercial na magkakaroon ng international exposure.
Ipakikita diumano sa nasabing advertisement ang progress ng mga proyekto ng DPWH na pinamumunuan ni Sec. Mark Villar.
Ang tiyak na tatanungin lang ay kung may talent fee bang tinanggap sina Sen. Manny and Robin para sa nasabing endorsement.