May bagong limang channel ang ABS-CBN TVplus, sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at Metro Cebu na nagsimula na kahapon.
Kasama rito ang dalawang bagong exclusive channels na Asianovela Channel at Movie Central na may kasama pang MYX, Jeepney TV, at O Shopping.
Permanenteng magiging libre ang O Shopping na isang home TV shopping channel, samantalang naka-free trial naman ang apat na bagong channel hanggang Disyembre 31, 2018.
Ang Asianovela Channel ang una at natatanging channel sa digital free TV na handog ang iba’t ibang uncut classic at blockbuster Asian dramas at movies na naka-dub sa Filipino.
Ipapalabas din sa bagong channel ang mga popular at award-winning na TV series tulad ng Goblin, Love in the Moonlight, Sensory Couple, at marami pang iba.
Ang Movie Central naman ang first all-English movie channel ng ABS-CBN na eksklusibo sa TVplus na maghahatid ng bigating Hollywood blockbusters mula sa iba’t ibang movie genre kabilang na ang action, drama, comedy, at romance.
Tahanan na rin ito ng Jeepney TV para matunghayan ng mga manonood ang mga classic Kapamilya shows na tumatak sa kanilang puso. Bukod dito, may daily catch-up viewing din ng same-day episodes sa Jeepney TV ng Magandang Buhay, It’s Showtime, at ASAP.
Tiyak din na magugustuhan ng music lovers ang MYX, ang numero unong music channel, dahil sa OPM at international music videos nito na ipinapalabas 24/7.
Posible na rin na makapamili ang TVplus users sa kanilang tahanan dahil sa O Shopping na may maraming tampok na produkto.
Sa halagang P1,499, mapapanood na ng TVplus users ang dagdag na channels na walang monthly fee para sa family bonding.
“Sana makita ng mas maraming Pilipino ang kahalagahan ng DTT sa paglunsad ng bagong channels. Gagawin ng ABS-CBN ang lahat ng makakaya nito para sa patuloy na paglawak ng DTT sa bansa,” sabi ni Chinky Alcedo, head of ABS-CBN digital terrestrial television
Kabilang sa ABS-CBN TVplus coverage areas ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, and Davao.