Juliana natatalbugan na ni Elsa

Elsa

Si Juliana Parizcova Segovia man ang tinanghal na kauna-unahang Miss Q&A ng programang It’s Showtime, humahabol din sa kasikatan niya ang isa sa naging finalist ng sinubaybayang pakontes para sa mga hindi tunay na babae na si Elsa Droga Mendoza. 

Marami sa mga naging winner at finalist ng makulay na paligsahan ay halos nakaikot na sa mga programa ng ABS-CBN na kung saan ay nakikilala na sila ng husto pero, iba ang kasiyahan nila kapag si Elsa ang guest. 

Sa programa ni Korina Sanchez na Rated K ay sumailalim siya sa isang makeover procedure. Ina­abangan kung ano ang kahihinatnan ng proseso na isinasagawa sa kanya. Sa Tonight with Boy Abunda ay nagpamalas siya ng isa pa niyang ta­lento nang tumambling siya ng naka-high heels at naka-gown. 

‘Pinas hindi pinalad sa WCOPA

Hindi man naging kasing swerte ng mga nakaraang  taon ang mga ipina­dala nating kalahok sa World Champion­ship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California, USA, masaya na si Jed Madela na masamahan ang mga kinatawan ng ating bansa sa WCOPA. Ito ang dahilan ng pansamantalang pagkawala niya bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime at Your Face Sounds Familiar Kids.Hindi na masama sa mga lumahok na 87 Pinoy ay nakapag-uwi sila ng 55 gold, 83 silver, 81 bronze, 34 division championship plaques at 83 semi-finalist badges.

Romnick payag makatrabaho si Sheryl

Excited sa pagbabalik muli ni Romnick Sarmenta sa pag-aartista ay ang maybahay niyang si Harlene Bautista. 

Ayaw sana ni Romnick ang project nang unang ialok ito sa kanya dahil ayaw niyang gumanap ng role ng kontrabida simula nang mag-artista siya pero, nakumbinse siya ni Harlene dahil maganda ang role, makakasubok siya ng panibagong challenge.

Open din siya sa posibilidad na makapareha si Sheryl Cruz na inakala ng ma­rami ay iniiwasan niya dahil tinanggihan niya ang unang alok na makatrabaho ito. Dahilan niya ay magkaiba ang network nila. Kaya pansamantala, sosolohin ni Harlene ang pa­nga­ngasiwa ng kanilang Salu restaurant.

Joseph nagbabalik, gaganap na may TS

Marami ang nakaka-miss kay Joseph Marco. Matagal nang nag-ending ang Wildflo­wer pero ngayon lang siya muling mapapanood, sa episode bukas ng Maalaala Mo Kaya. 
Tungkol ito sa nababalitaan nating Grab driver na dahilan sa kanyang karamdamang Tourette Syndrome ay dumaan sa maraming hirap bago siya tinanggap na isang normal na tao at mapagkakatiwalaan sa kanyang trabaho. Katambal niya ang da­ ting Kapuso star na si Ryzza Cenon na sasabayan siya sa pag-arte. Si Raz dela Torre ang direktor mula sa kuwento na isinulat ni Benson Logronio.

Show comments