Direk Joyce ginawang kalmado ang SONA
Mas pinuri ang direction sa State of the Nation Address ni Direk Joyce Bernal.
Hindi indie ang approach at clear ang mga anggulo. At na-capture ang buong congress.
Wala na ‘yung mga unpleasent angle na pinupuna noong si Direk Brillante Mendoza sa two years niyang pagdidirek.
Saka siguro parang kalmado ang paligid, hindi ‘yung parang may panggulat.
Or baka kasi nauna nang nagkaroon ng drama sa speakership kung saan nagkaroon ng coup de’ etat.
Tulad naman sa mga nakaraang SONA nangibabaw sa kasimplehan si Heart Evangelista na sinasabing best dressed at Jinkee Pacquiao sa kulay puti nilang suot.
Maging ang pamilya ni President Duterte ay pansin ang mga sinuot na gown lalo na ang girlfriend ni Baste Duterte na white gown na gawa ni Cary Santiago. Hot item si Baste sa SONA dahil nga maraming may crush sa presidential son eh kaso sinama niya ang girlfriend.
Anyway, agaw-eksena naman ang kulay green gown ni Rep. Baby Arenas and red gown ni Rep. Imee Marcos. Ganun din si Ms. Marga Nograles (wife ni Cong. Carlo Nograles and Rep. Em Aglipay-Villar - (wife of DPWH Sec. Mark Villar).
Nag-viral naman ang family photo ng mga senator matapos ngang agawan diumano ng upuan si Sen. Cynthia Villar kaya medyo nakalayo ang chair niya. Wala namang banggit kung sino ang nang-agaw ng upuan ni Sen. Villar.
Ang saya ng SONA parang isang show na pinag-pipiyestahan ng bayan dahil sa iba’t ibang eksena.
Kakai nakaka-score na kay Ahron
May aliw factor ang pelikulang Harry and Patty na pinagbibidahan nina Kakai Bautista and Ahron Villena.
Parang silang-sila lang, I mean ‘yung pinagdaanan ni Kakai kay Ahron noon. Iba nga lang ang twist sa true to life kesa sa pelikula na dinirek ni Julius Alfonso na direktor din ng Deadma Walking.
Swak kina Kakai and Ahron na parang iisipin mong si Kakai ang producer dahil sa takbo ng kuwento. Hahaha.
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Harry and Patty.
- Latest