^

PSN Showbiz

Anak ni Alfred gumawa ng kasaysayan sa SONA, misis kailangan ng complete bed rest

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Alfred gumawa  ng kasaysayan sa SONA, misis kailangan  ng complete bed rest
Alfred at Ary

Kahapon ang wedding anniversary ni Alfred Vargas at ng kanyang misis na si Yasmine. Isinabay ni Alfred sa wedding anniversary nila ang announcement na buntis si Yasmine sa kanilang third child.

Parehong mga babae ang dalawang anak ng mag-asawa at kung sila ang masusunod, sure na type nila na magkaroon ng baby boy pero kung girl pa rin, walang problema, basta healthy ang bata.

Hirap si Yasmine sa pagbubuntis sa ikatlong pagkakataon kaya hindi niya sinamahan si Alfred sa opening session kahapon ng 17th Congress. Ang second daughter nila na si Ary ang naging proxy niya.

Gumawa ng kasaysayan si Ary dahil siya yata ang pinakabata na rumampa sa red carpet ng SONA. Six years old pa lang si Ary na halata na shy na shy habang naglalakad sila ng tatay niya sa red carpet pero very refreshing sight dahil may bagets na naligaw sa House of Representatives.

Marami ang natuwa at cute na cute sa eksena na akay-akay ni Alfred ang youngest daughter niya.

Binili ni Yasmine sa online ang dainty dress ni Ary na agaw-atensyon.

Anyway, complete bed rest ang kailangan ni Yasmine dahil delicate ang pagbubuntis nito kaya ipagdasal natin na maging maayos ang kanyang kalagayan at kalusugan, pati na ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan.

Blessing ang muling pagbubuntis ni Yasmine dahil plano talaga nila ni Alfred na madagdagan ang miyembro ng pamilya pagkatapos ng kanilang church wedding sa Manila Cathedral, isang taon na ang nakararaan.

Bago sila ikinasal ni Alfred, tiniyak ni Yasmine na hindi siya magbubuntis para hindi masayang ang bonggang wedding gown niya na gawa ni Cary Santiago.

Natupad naman ang kagustuhan ni Yasmine dahil nakabuo sila ni Alfred, ilang buwan matapos mangyari ang pagpapakasal nila sa Manila Cathedral noong July 23, 2017.

Jinkee at Heart dalawang beses nagpalit, outfit pinupuri!

Dalawang beses na nagpalit ng damit sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista at parehong pinuri ng mga tao ang kanilang mga outfit nang umapir sila kahapon sa Congress, kasama ang kanilang mga senador na asawa.

Ang favorite fashion designer ni Heart na si Mark Bumgarner ang creator ng mga white outfit niya at si Michael Leyva naman ang gumawa ng mga damit ni Jinkee.

Na-sight din kahapon sa SONA ni President Rodrigo Duterte si Phillip Salvador. Matagal nang magkaibigan ang dalawa kaya always present si Ipe sa mga important event na may kinalaman kay Papa Digong.

Nabalitaan ko na mahigpit ang security kahapon kaya natagalan ang paghihintay ni former Senator Nikki Coseteng bago ito pinapasok. Naiwan kasi ni Mama Nikki sa sasakyan ang imbitasyon sa kanya at dahil low-profile na siya, hindi kaagad nakilala ng security personnel ang dating senadora.

Mga teleserye naapektuhan ng SONA

At dahil sa SONA ni Papa Digong, nakatanggap kahapon ang lahat ng mga text advisory mula sa mga telecommunication company.

“In compliance with the order from the National Telecommunications Commission (NTC), there will be a temporary loss of mobile telecom service in Quezon City and neighboring areas during the 2018 State of the Nation of President Duterte from 3 pm to 7 pm.”

Live na napanood sa GMA 7, ABS-CBN at sa ibang television stations ang SONA ni Papa Digong kaya pre-empted nito ang mga afternoon drama series ng Kapuso at Kapamilya networks.

ALFRED VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with