Picture ni Scarlet Belo ginagamit pambenta ng isang produkto sa mall

Alam kaya ni Hayden?

Asking ang fans ni Scarlet Snow Belo kung aware ang kanyang mga magulang na sina Dra, Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. sa paggamit ng isang company sa picture ng bagets para marami ang bumili ng produkto nila na ibinebenta sa mga mall.

Ang litrato ni Scarlet na ni-reprint mula sa isang social media post ni Vicki ang ginagamit na promo ad ng kompanya na nakita ng fans.

Natatandaan ko ang sinabi ni Hayden sa lunch namin sa Manila Private House noong May na pi­ling-pili ang mga product endorsement na tinatanggap nila ni Vicki para kay Scarlet.

Hindi nabanggit ni Hayden ang name ng company na gumagamit sa picture ng kanyang unica hija kaya nagkaroon ako ng malisya.

Baka walang permiso nina Vicki at Hayden ang paggamit sa litrato ni Scarlet dahil paslit na paslit pa ito para i-endorse ang naturang produkto.

Anyway, tatanungin ko sina Vicki at Hayden tungkol sa isyu na ikinababahala ng fans ni Scarlet para malaman natin ang the truth and nothing but…

Anne Philippine superstar ang trato sa Vietnam

Malakas ang ulan kahapon sa Metro Manila pero hindi ito naging hadlang para hindi lumipad sa Cebu City si Anne Curtis at ang mga co-star niya sa action movie na BuyBust.

Kahit masungit ang panahon, nag-promote si Anne ng BuyBust sa Cebu, nagkaroon ng mall show, presscon at siyempre, ang red carpet premiere ng kanyang pelikula na magbubukas sa cinemas nationwide sa July 25.

Maaasahan si Anne sa promo ng BuyBust lalo na ngayon na puro positive ang mga feedback tungkol sa bagong pelikula niya na co-production venture ng Viva Films at Reality Entertainment Inc.

Nakadagdag sa enthusiasm ni Anne ang mga bonggang reaksyon sa cover ng bagong issue ng Vietnam edition ng Harper’s  Bazaar.

Si Anne lang naman ang isa sa mga cover girl ng Harper’s Bazaar na may caption na Pursuer of Dreams.

Touched na touched si Anne sa label sa kanya bilang The Philippines Superstar, The Asia’s Sweetheart, The Multimedia Queen, The National Star at True Superstar with a Substance.

Hindi pa binibigyan ng showbiz title si Anne at kung ako ang tatanungin, perfect sa kanya ang title na The National Star dahil hindi pa ito ibinibigay o ginagamit ng ibang mga aktres na bongga ang mga achievement sa Philippine entertainment industry.

SONA fashion inaasahang mas simple

Ngayon ang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte na inaabangan ng kanyang mga supporter at detractors.

Live na mapapanood sa mga local television station ang SONA ni Papa Digong na mula sa direksyon ni Joyce Bernal.

Nakatutok ang mga fashionista sa mga gown na gagamitin ng mga asawa ng mga pulitiko, sa mga celebrity na may posisyon sa gobyerno at sa mga bisita na imbitado.

Noong panahon ni Noynoy Aquino, pabonggahan ang mga kababaihan sa mga outfit nila sa SONA pero nagbago ang ihip ng hangin nang maupo sa puwesto si Papa Digong dahil naging simple at hindi na magarbo ang kanilang mga pananamit.

Ngayong hapon, malalaman natin kung sino sa mga celebrity guest sa SONA ang  consistent sa pagiging simple at ang mga personalidad na hindi nakatiis na hindi irampa ang kanilang mga bonggang gown dahil sa kagustuhan  na makasali sa listahan ng mga best-dressed at magkaroon ng mga libreng publicity.

 

Show comments