Hindi na nga matutuloy ang pagiging direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin ng Metro Manila Film Festival 2018 entry nila ni Vic Sotto na Jack En Poy: the Puliscredibles. Sinabi na ni Coco na si Mike Tuviera ang magdidirek ng movie nila ni Bossing Vic. Hindi lamang isang mahusay na direktor ang naging kapalit ni Coco kung kundi anak rin ng isa sa mga co-producer ng pelikula na si Mr. Tony Tuviera.
Nauna na itong kinumpirma ni Coco na co-prod din ng movie.
Pero kailan nga ba mag-uumpisa ng shooting ang Jack En Poy: the Puliscredibles na inaasahang magiging mahigpit na kalaban ng Fantastica ni Vice Ganda na nangakong magbibigay ng P900M na kita sa takilya. Hanggang ngayon, wala pa ring mga detalye sa Vic/Coco movie pero, nagsimula na ang shooting ng kay Vice.
Sarah at Matteo malayang-malaya na!
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pag-aartista at pagkanta, naisingit pa ni Sarah Geronimo ang bonding time nila ni Matteo Guidicelli para magawang matatag ang relasyon nila. Pinagbigyan ng Viva ang panahong hiningi niya para magkasama sila ni Matteo at maging ng pamilya nito.
Feeling family na siya sa pakikipag-lunch sa pamilya ni Matteo. Nanood din sila ng football practice ng kapatid ng aktor. Pati sa check up ng aso nito ay kasama rin siya. Tanong ng lahat kung senyales na ba ito ng isang pemanenteng ugnayan. Obvious na malaya na ang dalawa sa kanilang relasyon.
Sofia naging masama na
Nakabalik si Sofia Andres sa Bagani kahit nauna nang namatay ang karakter na ginagampanam niya. Kung sabagay, pati naman si Liza Soberano ay namatay din pero nakabalik. Iniisip ng mga manonood kung nagkaroon ba ng pagbabago ng isip ang mga bossing ng ABS-CBN kaya ibinalik siya sa serye o talagang ‘yun ang takbo ng istorya. ‘Yun nga lang, sa pagbabalik niya ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa karakter niya.
Alipin na siya ng kasamaan nang bumuhay sa kanya na ginagampanam ni Kristine Hermosa. Salbahe na siya at isa nang kontrabida. Utos sa kanya na patayin si Lakas (Enrique Gil) sa harap mismo ni Ganda (Liza).
Mas gusto ba ito ng manonood kaysa yung tuluyang namatay na siya?
Billy at Coleen hindi masaya ang katapusan
Marami ang masa-sad sa kahahantungan ng character nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa episode bukas ng Maalaala Mo Kaya pero ‘yun ang naging ending ng dalawang hindi pinalad na nag-iibigan at nagmamay-ari ng kuwento na mas binigyan ng kahalagahan ang bagay na mas importante kaysa sa pag-ibig at naging masaya sa ginawa nilang pagpapasya.
Kasama sa kuwento si Junjun Quitana sa direksyon ni Marvin Brondial at isinulat nina Akeem del Rosario at Arah Jell Badayos.