Gabby nag-demand ng equal tf/billing at teleserye kaya ‘di natuloy sa movie nila ni Sharon
MANILA, Philippines — Magkaiba ang kuwento ni Gabby Concepcion at insider ng Star Cinema tungkol sa naudlot nilang pelikula ni Ms. Sharon Cuneta.
Naunang sinabi diumano ni Gabby sa mga pinagkuwentuhan niya na ayaw pumayag ni Sharon na ilagay sa inheritance fund ng anak nilang si KC Concepcion ang magiging talent fee nila kaya nag-back out siya (Gabby). Isa pang sinabi diumano ni Gabby matapos ma-abort ang nasabing project ay tini-text siya ni Sharon tungkol sa kanila. At kasama raw sa mga text ni Sharon sa ex husband at kung mahal pa niya ito.
Pero different ang kuwento ng source. Ang totoong rason daw kaya aborted na ang nasabing movie ay wala sa nabanggit ni Gabby. Ang gusto raw ni Gabby ay equal sila ng talent fee, equal billing at may ka-package pa na teleserye sa ABS-CBN. Dun na raw nag-react ang mga bossing ng Star Cinema kaya hindi na itinuloy ang reunion movie nila ng ex wife ayon sa super reliable source na nakatsika ko.
Walang binanggit ang source kung anong movie ang inihahanda para kay Shawie na kapalit nito.
Sen. Manny pinagpapasa-diyos na lang ang mga manloloko
Super fake news ang kumalat sa social media na mamimigay si Sen. Manny Pacquiao ng 60 sasakyan bilang balato sa napanalunan niya sa laban nila ng Argentian boxer na si Lucas Matthysse. Umabot sa 50,016 ang number of share ng nasabing post ng FB account na obviously ay poser niya.
“Dahil panalo ako at panalo ang Pilipinas. Mamimigay ako ng kaunting balato. Pipili ako ng 60 katao na bibigyan ko ng sasakyan. -Sundin lang ang mga dapat gawin upang mapabilang sa pweding mapili ko.
1. i Like ang page nato Sen. Manny Pacquiaoo
2. I Share ang post nato.
3. Comment “Congrats” SA MISMONG PHOTO.
Goodluck!,” ang sabi sa post.
Agad-agad umabot sa 10k likes at sabog agad ito sa social media.
Pero mabilis itong itinanggi ng kampo ng Pambansang Kamao sa pamamagitan nga ng statement ng GMA 7.
Pero sino kaya ang administrator ng FB ni Sen. Manny?
Aware kaya si Sen. Manny na may FB siya?
Sa rami nang nakapaligid sa kanya at sa rami nang lumalapit sa kanya siguradong lito na rin siya kung sino nga ang naghingi ng blessing para i-admin ang kanyang FB account or probably poser.
Walang pinipiling tao ang boxing icon. Kahit sinong lumapit sa kanya ay pinagbibigyan niya.
Hindi raw ito marunong tumanggi. Lahat ng mga lumalapit sa kanya, ayaw ipahiya. Ito nga raw ang rason kaya ang daming taga-GenSan na nakabiyahe sa Malaysia. Kuwento ng isang source, lahat nang lumapit sa senador na gustong manood, pinagbigyan niya. Kaya ang ending, nagpa-chartered siya ng plane going to Kuala Lumpur na hindi mo naman ma-gets kung bakit kailangan pa siyang i-bash sa ginawang panlilibre.
Bakit nga ba may mga taong nagwi-wish ng masama sa kapwa na nagbigay naman ng kaligayahan sa iba?
Anyway, buti na lang at ang attitude ni Sen. Manny ay ipagpasa-Diyos na lang lahat ng mga nanloloko sa kanya.
Anne emosyonal sa kinalabasan ng Buybust
Ang bongga ng feedback sa pelikulang BuyBust matapos itong mag-premiere sa New York Asian Film Festival (NYAFF). Isa ang nasabing movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis with Brandon Vera sa six Filipino genre films na featured in this year’s NYAFF, na binigyan ng Film Development Council of the Philippines ng Send-Off Press Conference last week kasama ang ibang delegates, sa pangunguna ni FDCP Chair and CEO Liza Dino.
Mangiyak-ngiyak si Anne lalo na nga’t hindi biro ang dinanas nilang hirap sa pelikula.
“This makes my heart so happy and makes me want to cry all over again,” tweet niya.
“From last night’s Q&A after the world premiere of BUYBUST. Couldn’t help but get emotional after seeing all the hard work pieced together on the big screen. 2 years of shooting told in 2…,” tweet pa niya na attached ang review na lumabas sa Variety .
“BuyBust” is a superbly executed action film about drug squad members fighting for their lives in a maze-like Manila slum that resembles nothing less than hell on earth. Director and co-writer Erik Matti (“On the Job,” 2013) has delivered an explosive exercise in kinetic cinema that also offers potent commentary on the devastating social consequences of the Philippine government’s war on drugs. Following its world premiere at New York Asian Film Festival, “BuyBust” will become a must-see item for genre fans. It looks certain to spark controversy and attract large audiences when it releases locally Aug. 1, and should enjoy a successful run in selected North American cities from Aug. 10. Worldwide Netflix rollout is set for Nov. 1.
“BuyBust” barely digs into the background of any characters and doesn’t need to. All we need to know is that Drug Enforcement Agency recruit Nina Manigan (Anne Curtis) is the sole survivor of a team that was wiped out in a disastrous operation. She’s also smarter than superiors including squad leader Bernie Lacson (Victor Neri) and senior narco detectives Dela Cruz (Lao Rodriguez) and Alvarez (Nonie Buencamino),” papuri pa sa pelikulang Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
- Latest