^

PSN Showbiz

Aiko pinagdiinang hindi mang-aagaw ng asawa

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Aiko pinagdiinang hindi mang-aagaw ng asawa
Aiko

Seryoso si Aiko Melendez sa kanyang pakikipag-relasyon kay Subic Mayor Jay Khonghun. Hiling niya na sana ay huling pakikipagrelasyon na niya ito. Bukod sa talagang nagmamahalan sila ng pulitiko ay walang problema dito ang kanyang mga anak na sina Andrei at Martina. Nagkakasundo sila. Mapayapa si Aiko na isipin na wala siyang naaapakang tao sa ugnayan nila. Matagal nang hiwalay si Mayor J sa asawa niya nang maging sila ng aktres.

Raymart na-maintain ang hitsura

Pinal na palang gagawa ng serye si Raymart Santiago sa ABS-CBN. Si Judy Ann Santos ang makaka-partner niya sa Starla. Wala namang problema ang aktor dahil wala siyang kontrata sa GMA. Per project lamang siya kaya madali siyang lumipat ng ibang network na naiintindihan naman siguro ng GMA dahil wala itong ginagawa sa kanila ngayon.

Hindi mahirap humanap ng assignment ang kapatid nina Rowell at Randy Santiago dahil magaling itong artista at nagawang ma-maintain ang kanyang good looks sa pagdaraan ng panahon.

Sunshine kakaririn para maging psychiatrist

Isa si Sunshine Cruz sa nagpursige para makatapos ng kanyang pag-aaral. Tapos na siya ng psychology at nagbabalak pang kumuha ng Master’s degree. Ginagawa niya ito dahil ba­lak niyang maging isang psychiatrist at para maging magandang ehemplo sa tatlo niyang anak na babae na sinasabihan niyang iprayoridad ang kanilang studies bago sila gumawa ng ibang bagay.

Nauna nang magpakilala ni Samantha bilang isang naghahangad na maging singer pero, kailangan niyang magtapos muna ng pag-aaral bago niya ito ma-pursue. Ang dalawa pang mas nakakabata kay An­gelina na sina Francheska at Angelina ay hindi pa kinakikitaan ng kanilang preferences sa buhay.

Nagdadalaga na ang tatlo pero, sa tabi pa rin ng kanilang ina nila gustong matulog. Hiling ni Sunshine na sana kahit ma-annul sila ni Cesar Montano ay magpatuloy ang maganda nilang relasyon kahit para sa kanilang mga anak.

Music Hero gustong magaya sa South Boarder

Nagbunga rin ng maganda ang pagkakakatatag sa Eat Bulaga ng bandang Music Hero na binubuo nina Manly Ocampo (vocals), Radlee Laquian (electric guitar), Jaquin Rodrigo (drums), Jim Tan, RD Benavidez (keyboards), JR Corre (bass), Brian Feliciano (saxophone), at Dominique Casacop (violins). Lahat sila ay nagwagi sa paligsahan para sa mga instrumentalist na itinaguyod ng Eat Bulaga.

Kasalukuyang namamayani ang debut song nilang Walang Papalit sa Spotify Philippines at pumapangalawa sa World Music Awards Top 10 Digital Tracks. Gusto ng Music Hero na maabot ang tagumpay ng iniidolo nilang South Border.

AIKO MELENDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with