^

PSN Showbiz

Pagdidirek ni Bb. Joyce ng SONA, pinakikialaman agad

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagdidirek ni Bb. Joyce ng SONA, pinakikialaman agad

MANILA, Philippines — Grabe naman, inaral lang ni Direk Joyce Bernal ang mga annggulo sa Batasang Pambansa kung saan isasagawa ang State of the Nation Address ni President Duterte, trending agad siya.

Low key pa naman ang character ni Direk Joyce. ‘Yun tipong hindi maepal at simple kahit manamit. Pero dahil siya nga ang direktor ng gaganaping SONA ng pangulo sa July 23, tinututukan na ang bawat galaw niya.

Maraming bilin sa kanya ang mga pakiala­mero’t pakialamera sa kanyang pagdidirek. Kesyo sana raw ay ‘wag itulad sa mga peliku­lang ginawa niya ang approach sa pagdidirek sa Pangulo. Hahaha.

As if hindi pa alam ni Direk Joyce ang gagawin saman­talang hindi na nga mabilang ang number of hit movies niya. Siya nga ang director ng The Revenger Squad na highest movie sa 2017 Metro Manila Film Festival na pinagbidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla and Pia Wurtzbach.

Nakapag-last shooting day na si Direk Joyce sa peliku­lang Miss Granny starring Sarah Geronimo, Xian Lim and James Reid na showing na sa August 22 kaya siguro nakaka-concentrate na si Direk Joyce sa SONA ng pangulo.

Pinalitan niya si Direk Brillante Mendoza na ang sabi-sabi nga noon ay indie ang naging approach sa dalawang SONA. Eh at least daw itong si Direk Joyce, sure na pang-mainstream ang dating at mas maging normal ang bawat anggulo.

ABS-CBN kabilang sa best companies to work...

Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa mga Best Companies to Work For in Asia ng HR Asia, isang nangungunang magazine para sa mga human resources professional na pinaparangalan ang mga kumpanyang may magandang relasyon sa kanilang mga empleyado at mahusay na kultura sa pagtatrabaho.

Pinapatunayan ng parangal na ito ang aming paniniwala na ang mga tao ang nagdadala ng tagumpay sa kumpanya,” sabi ni Archie Sabado, head ng human resources and organization development ng ABS-CBN sa ginanap na awarding sa Marriott Hotel kamakailan lang. “Mahalaga ito dahil hindi lang ito katibayan na nasa tamang direksyon ang aming mga gawain sa organisasyon, natututo rin kami mula sa ibang kumpanya upang patuloy naming pagbutihan ang pag-aalaga sa aming mga Kapamilya.”

Higit 12 na iba’t ibang industriya sa Asya kasama ang Hong Kong, Singapore, Malaysia, at China ang sinusuri ng HR Asia para sa listahan ng Best Companies to Work for in Asia. Ang Kapamilya network ang nag-iisang TV network sa Pilipinas na kasama sa listahan.

Pinipili ang mga panalo base sa working environment, HR practices, employee engage­ment, at job satisfaction, na ginagrado ng mga eksperto sa industriya, akademya, mga mama­mahayag, at kinatawan ng gobyerno.

Boxing palalakasin ni Pacman sa Malaysia

In all fairness, hindi lang tayong mga Pilipino ang excited sa tinaguriang Fight of Champions ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao laban kay Lucas Matthysse ng Argentina na ma­gaganap ngayong Linggo (July 15). Sa airport pa lang kasi, mainit nang tinanggap ng mga taga-Malaysia si Pac­man. Matiyaga silang pumila at nag­hintay para makita ang ating Pinoy pride.

All set na nga si Pacman sa kan­yang WBA Welterweight Cham­pionship fight na mapapanood sa GMA ngayong Linggo (July 15), 10AM via satellite. Maaari ring mapakinggan ang exclusive blow-by-blow live coverage sa Super Radyo DZBB 594 at sa lahat ng RGMA AM stations nationwide.

Sana lang ay hindi magkatotoo ang sinabi ng kalaban niyang si Matthysse ha na “If he decides to retire after I beat him then that is his decision, I am here to defend my title,” parang nag-iilusyon sabi ni Kuya. Hahaha.

As if naman kakayanin niya ang Pambansang Kamao. Siniguro ni Cong. Toby Tiangco, BFF ni Sen. Pacman na dumating na ng Malaysia kahapon na gagawin ng senador ang lahat para maipanalo ang laban lalo na nga at manonood si Pangulong Duterte.

Saka ang Malaysians daw sobrang idolo si Pacman bagama’t hindi pala masyadong mahilig sa boxing ang Malaysians dahil football nation daw ito.

Umaasa ang mga sports fanatic na magbibigay ng matinding awareness ang laban ni Sen. Manny sa boxing sa nasabing bansa.

Samantala, kahapon din ay nag-courtesy call na si Sen. Pacman sa bagong halal na Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad. Magaganap ang laban nina Pacman at Matthyse sa  Axiata Stadium, Kula Lumpur.

Anak nina LJ at Paulo nakakita ng UFO?!

Oh nakakakita nga ba ng UFO (unidentified flying object) ang anak nina LJ Reyes and Paulo Avelino?

Sabi ng isang follower na i-check ko raw ang post ni LJ tungkol dito na nalimutan ko naman at kahapon lang uli naalala. “On our way to Greenbelt, Aki pointed out something in the sky. He keeps on telling me it’s a UFO and when I zoomed in, it sure does have a weird shape! First time ko makakita ng ganun!!! Aki can’t stop thinking about it he even drew it when we got home. Super weird! What do you think it is???,” sabi ni LJ na may picture ng nasabing object na lumilipad sa may isang building.

Pero ang sabi ng followers niya, drone camera lang naman ‘yun na usung-uso ngayon.

Palagay n’yo?

DIREK JOYCE BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with