Pacman takot ma-knock out sa harap ng pangulo
Mainit ang pagtanggap kay Senator Manny Pacquiao ng mga Malaysian at ng mga kababayan natin nang dumating siya sa Kuala Lumpur para sa laban nila ni Lucas Matthysse sa July 15.
Excited na ang lahat sa sagupaan ng dalawa na panonoorin din ni President Rodrigo Duterte na pupunta sa Kuala Lumpur para sa meeting nila ni Prime Minister Mahathir Mohammad.
Sa totoo lang, doble ang excitement na nararamdaman ng boxing fans dahil bukod kay Papa Manny, makikita rin nila si Papa Digong na first time yata na personal na manonood ng boxing fight ng Pambansang Kamao mula nang mahalal siya na pangulo ng Pilipinas.
Looking forward si Papa Manny sa pagsipot ni Papa Digong sa boxing fight nila ni Matthysse kaya gagawin niya ang lahat para manalo at makapagbigay muli ng karangalan sa bansa natin.
Buybust Rated 16
Rated R-16 ng MTRCB ang BuyBust ng Reality Entertainment at Viva Films dahil sa mga violent scene na nangyayari naman talaga sa tunay na buhay, lalo na kung drama at action ang pelikula.
Si Erik Matti ang direktor ng BuyBust at aminado naman siya na punum-puno ng violence ang pelikula na pinagbibidahan ni Anne Curtis.
First time ni Anne na sumabak sa isang maaksyon na pelikula pero sa cellphone lamang sila nag-usap ni Erik nang i-alok nito sa kanya ang project.
Nag-yes agad si Anne nang ikuwento sa kanya ni Erik ang plot ng pelikula, itsurang hindi pa niya nababasa ang script.
Hindi nagsisisi si Anne sa desisyon nito na tanggapin ang offer na magbida sa BuyBust dahil bongga ang project. Maraming aral din ang natutuhan si Anne tungkol sa paggawa ng action movie na forte ni Erik.
PDEA agent ang role niya sa BuyBust at kapag nabanggit ang PDEA, isa lang ang ibig sabihin nito, may kinalaman sa war against illegal drugs ang kuwento ng unang action movie niya.
AiAi may bagong anak-anakan
Congrats kay AiAi delas Alas dahil kumbaga sa isang babae na nagbuntis at nagsilang, may mga bagong anak ang Comedy Queen, ang all-female group na Mooi G. ang pangalan.
Mooi ang Dutch word sa beautiful at Mooi ang pinili ni AiAi na name ng kanyang mga anak-anakan na pare-parehong magaganda at talented.
At bilang sobrang creative ni AiAi, inspired ng mga kulay ang screen names na ibinigay niya sa members ng Mooi G., sina Red M., Peach B., Black G., Violet K. at Pink J.
Yaas Call Me ang title ng debut single ng Mooi G. na in-upload kahapon sa YouTube.
Sa July 14 ang Kami ang ExB, ang1st anniversary concert ng Ex Battalion, ang mga panganay na anak ni AiAi kaya kasali ang Mooi G. bilang front act.
Ipinagmamalaki ni AiAi na may K ang Mooi G. na mapapanood na mag-perform sa mga concert at television show pero hindi available sa mga interview para mapanatili ang kanilang mystery.
- Latest