^

PSN Showbiz

Bela napikon sa presscon!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Bela napikon sa presscon!
Bela

Christian Bables susubukang buhayin ang career

SEEN: Official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang Signal Rock, ang launching movie ni Christian Bables na nagkaroon ng negative image dahil sa pag-alis niya sa talent management company nina Jun Lana at Perci Intalan.

SCENE: Hindi pa naipalalabas sa mga sinehan ang Recipe for Love, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. Bida sa Recipe for Love si Christian na nabantilawan ang career dahil sa mga negative publicity tungkol sa attitude niya.

SEEN: Magaganda ang mga trailer ng eight official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018. Mga miyembro ng selection committee sina Cherie Gil, ang film editor na si Manet Dayrit, cinematographer Lee Briones at ang mga direktor na sina Sheron Dayoc, Carlos Siguion-Reyna at Jose Javier Reyes.

SCENE: Hindi ginawa ng writer ng www.gmanetwork.com ang kanyang assignment dahil kulang sa research at may mga mali sa article niya tungkol sa ‘90’s Seiko Jewels, ang sexy contract stars noon ng Seiko Films. Wala sa artikulo ang pangalan nina Rosanna Roces at Cesar Montano. Mali rin ang impormasyon ng writer na contract star ng Seiko Films si Diana Zubiri noong dekada ‘90.

SEEN: Disappointed si Bela Padilla sa mga tanong sa kanya sa presscon kahapon ng Pista ng Pelikulang Pilipino kaya nag-tweet siya ng “I was asked a series of very rude and insensitive questions. I tried to answer the best way I could, despite being caught off guard. I’m sorry if you didn’t get the angle you wanted out of me.”

SCENE: Si JC Santos ang leading man ni Bela Padilla sa The Day After Valentine’s, isa sa mga official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Dati nang mahaba ang buhok ni JC pero gumamit siya ng hair extension para sa mga eksena niya sa The Day After Valentine’s.

SEEN: Bumagay kay Sue Ramirez ang short hair dahil hindi na siya mukhang matanda. Si Sue ang lead actress sa Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi, ang official entry ng The IdeaFirst Company sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

SCENE: Parang mga eksena lang sa The Blood Sisters ang trailer ng We Will Not Die Tonight, ang pelikula nina Erich Gonzales at Alex Medina. Si Erich ang bida sa The Blood Sisters at lead actress ng We Will Not Die Tonight na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino. 

BELA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with