Direk Maryo J… at Bernardo Bernardo, bibigyang-pugay ng Cinemalaya

Direk Maryo at Bernardo

MANILA, Philippines — Ipinagmamalaki ng The Cultural Center of the Philippines at ng Cinemalaya Foundation ang 14th edition ng itinuturing na pinakamalaking independent film festival sa bansa, ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Mapapanood ang mga de-kalibreng pelikula sa festival simula August 3 hanggang 12, 2018, sa mga piling venue ng CCP at ilang Ayala Cinemas.

Marami ang aabangan sa Cinemalaya 2018 na mayroong temang Wings of Vision.

Tampok ngayong taon ang 10 full-length films na maglalaban-laban sa grand awards. Ito ay ang Distance ni Percival Intalan; Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset) by Carlo Enciso Catu; Kuya Wes by James Robin Mayo; Liway by Kip Oebanda; Mamang by Denise O’Hara; ML by Benedicto Mique Jr.; Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma (Unless the Water is Safer than the Land) by Iar Lionel Arondaing; Pan De Salawal (The Sweet taste of Salter Bread and Undies) by Che Espiritu; School Service ni Luisito Lagdameo Ignacio; at The Lookout ni Afi Africa.

Mayroon na rin 10 short film ang Cinemalaya 2018 na binubuo ng Babylon ni Keith Deligero; Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month ni Carlo Francisco Manatad; Kiko by Jojo Driz; Logro ni Kani Villaflor; Nangungupahan (Who Rents There Now?) by Glenn Barit; Sa Saiyang Isla (In His Island) by Christian Candelaria; Si Astri maka Si Tambulah (Astri and Tambulah) ni Xeph Suarez; Siyudad sa Bulawan (City of Gold) by Jarell Serencio; Yakap by Mika Fabella and Rafael Froilan Jr.; and, You, Me and Mr. Wiggles by Jav Velasco.

Magbibigay pugay din sa namayapang direktor na si Maryo J. Delos Reyes ang Cinemalaya sa pamamagitan ng special screening ng ilan sa kanyang pinakamagagandang pelikula tulad ng Bagets at Magnifico. May tribute rin sila sa veteran actor na si Bernardo Bernardo by showing Manila by Night by Ishmael Bernal.

Para naman sa ika-30 edition, muli na namang pipili ang longest-running independent film competition ng pinakamagagandang pelikula sa iba’t ibang kategorya tulad ng Short Feature/Narrative, Experimental, Documentary at Animation. Ang pre-selected entries ay mapapanood sa August 4-6 sa CCP Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater).

Gaganapin naman ang Cinemalaya Campus sa August 7 & 8 sa Silangan Hall. Idaraos ang Cinemalaya Awards Night sa August 12, 2018 sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

Show comments