Gary V. nagka-kidney cancer

Gary V.

SEEN: Magkasama at holding hands sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose nang dumalo sila sa anniversary party ng GMA Network Inc. sa Manila Polo Club noong Biyernes kaya nabura ang mga hinala na for publicity purposes ang relasyon nila.

SCENE: Hindi na dapat pag-aksayahan ni Sunshine Cruz ng panahon ang businesswoman na ex-bestfriend niya na sinampahan siya ng libel case dahil nag-e-enjoy ang negosyante kapag pinag-uusapan.

SEEN: Hindi na matutuloy ang plano na two-consecutive Sundays na airing ng ASAP Live sa Honolulu dahil sa pasya ng production staff na pagkasyahin sa isang episode ang show na mapapanood ngayong tanghali.

SCENE: Madalas ang pagkikita at pagsasama ni Sarah Geronimo at ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli dahil matagal ang birthday leave ng singer-actress na magdiriwang ng 30th birthday sa July 25.

SEEN: In top form na si Senator Manny Pacquiao dahil handang-handa na siya para sa hindi pa masyadong maingay na boxing fight nila ni Lucas Matthysse sa July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

SCENE: Negative ang mga comment sa reaksyon ni Angeli Pangilinan, ang asawa ni Gary Valenciano, sa report ng isang news organization tungkol sa kidney cancer illness ng singer-actor. Tinawag ni Angeli na fake news ang report na may headline na Gary Valenciano tells Korina Sanchez he also has kidney cancer.

SEEN: “You didn’t interview Gary or any family member so why are you posting this????” ang reaksyon ni Angeli Pangilinan Valenciano na sinagot ni Maria Ressa ng “Really? When he says something on camera and another news organization airs it, it becomes part of the public domain. Our story also includes Gary’s responses to it. Don’t shoot the messenger.”

SCENE: Wala sa lugar ang reaksyon ng asawa ni Gary Valenciano dahil hindi fake news ang report na nagkaroon ng kidney cancer ang singer-actor na ibinase ng newspaper at website reporters sa teaser na inilabas noong Biyernes ng Rated K.

Show comments