Andre iniiwasan na si Kobe?!

Andre at Kobe

Ara itinanggi ang pang-aagaw  ng dyowa

PIK: Ang Globe Studios pala ang isa sa sumusuporta sa mga quality Pinoy films lalo na ang mga award-winning films na tumatanggap ng mga parangal sa ibang international film festivals.

Aktibo kasi ang higanteng telecom company na ito sa kanilang ‘play it right’ anti-piracy campaign para labanan ang patuloy na pamimirata ng mga pelikula sa bansa.

Ngayon, ay todo rin ang suporta ng Globe Studios sa 2nd Eddys Awards ng grupong SPEEd na gaganapin na bukas, July 9 ng gabi sa The Theatre ng Solaire.

Karamihan ay mga de-kalidad na indie films ang maglalaban sa Best Picture award, at mukhang naiiba itong mapipili nilang winners sa Best Actor at Actress category.

Ang isa pang aabangang bahagi sa awards night ay ang paggawad ng EDDYS Icon na para­ngal kina Eddie Garcia, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Charo Santos-Concio at Maricel Soriano.

Si Paulo Valenciano ang magdidirek nito sa ila­lim ng produksyon ng Wish 107.5 FM station.

PAK: Marami ang nagtanong sa amin kung okay ba talaga ang magkapatid na Andre at Kobe Paras.

Napansin kasi ng iba na nag-unfollow daw sila sa isa’t isa sa Instagram account.

Nung nagpu-promote naman si Andre para sa The Clash na nagsimula na kagabi sa GMA 7, safe lang ang sagot ng binata kapag tinatanong siya tungkol kay Kobe.

Meron pa siyang sagot minsan na hindi raw niya alam ang latest kay Kobe dahil wala pa siyang update.

Pero umiiwas na lang yata si Andre na maintriga pa kaya tipid lang ang sagot niya tungkol sa kapatid.

Pero tiniyak sa amin ni Benjie Paras na okay ang dalawang anak niya.

“Okay silang dalawa,” text back sa akin ni Benjie.

Sinundan namin ng tanong tungkol sa pag-unfollow nila sa kanilang social media account; “May private account silang dalawa,” mabilis niyang sagot sa akin.

Maayos daw ang relasyon ng dalawa, at kung ano man yung mga naglabasang tsismis, hindi na lang pinapansin ng magkakapatid dahil okay naman daw talaga silang dalawa.

BOOM: Derechong “hindi” at “wala” ang sagot ni Ara Mina sa tanong ni Kuya Boy Abunda sa kanya kung meron ba itong inagaw kaugnay sa isyung lumabas na kinasangkutan ng government official na si Dave Almarinez at ng producer na si Rina Navarro.

Sabi lang ni Ara nang nakapanayam siya ni Kuya Boy sa Tonight with Boy Abunda nung nakaraang Biyernes, July 6 ng gabi; “I don’t want to comment about that Tito Boy. I don’t owe public an explanation. Kung iyun ang side ng isang tao, just be it.

“Ang choice ko manahimik, wala akong dapat i-explain.”

Sinundan siya uli ni Kuya Boy ng tanong na sa paglaki ng anak niya, at binalikan ang isyung ito, ano ang sasabihin niya.

“Of course you’ll be honest with your loved one. Kung ano yung totoong nangyari, i-explain mo sa kanya. I’m not afraid with that,” sagot lang ni Ara.

Sa pagtatapos nang kanilang interview para sa promo ng Araw Gabi, tinanong si Ara ng mga bagay na hindi pa alam ng mga tao tungkol sa kanya.

Obvious na may patutsada ang ilang sagot niyang, “Ayaw ko ng sinungaling, ayaw ko ng plastik, ayaw ko ng pretentious.”

Show comments