Hayden itinuloy ang pag-aaral ng apologetics

Hayden

Nagkaroon ng reenactment sa pagbaril kay Ma­yor Antonio Halili noong Huwebes sa harap ng Tanauan City Municipal Hall para matukoy ang puwesto ng kriminal na pumaslang sa alkalde habang nagaganap ang flag ceremony noong July 2.

Tagumpay ang reenactment dahil nalaman ng mga imbestigador ang eksaktong lugar ng sniper at nakuha ang basyo ng bala na kumitil sa buhay ni Halili.

Shocking at nakakabahala ang nangyari kay Halili pero as usual, nakaisip ng kagagahan ang mga  Pinoy para mabawasan ang tension.

Tama ba na ikalat nila ang picture ni Hayden Kho, Jr. na nilagyan ng caption na kilala na ang tumira kay Halili? Kaloka sila ‘ha?

Sure ako na hindi naman affected si Hayden Kho, Jr. sa panggagamit sa kanya ng mga joker na happiness na ang mang-okray ng kapwa pero kiye­me-ki­yemeng maganda ang motibo at may brilliant excuse na type lang nila na pagaanin ang mabigat na sitwasyon.

Changed man na si Hayden na very responsible na asawa kay Dra.Vicki Belo at ama ni Scarlet Snow.

Out of the country si Hayden at ang pamilya nila dahil lumipad sila sa Oxford noong Huwebes para sa kanyang week-long studies ng Christian apologetics.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, may panahon pa si Hayden na mag-aral para madagdagan ang kaalaman niya sa maraming bagay-bagay na magandang ehemplo dahil naniniwala siya sa kasabihan na life is a never ending learning process.

The Clash bakbakan na

Tonight na ang pilot telecast ng The Clash, ang singing competition ng GMA 7.

Si Regine Velasquez ang host o Clash Master at ngayong gabi, ipapakita niya ang paraan ng pagpili sa 62 candidates ng The Clash.

Inikot ni Regine ang buong Pilipinas as in pinuntahan niya ang lahat ng auditions ng mga aspiring singer.

Judges ng The Clash sina AiAi delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista.

Hindi lang ang singing talent ng mga contestant ang mapapanood sa The Clash dahil tiyak na aabangan ang mga outfit nina Regine, Lani at AiAi.

Hit na hit sa mga reporter na dumalo sa presscon ng The Clash ang headdress na ginamit ni AiAi. Sinabi ng Comedy Queen na dapat nang masanay ang televiewers sa mga nakakaloka na headdress na isusuot niya sa The Clash.

Meg at Donnalyn bida sa directorial debut ng anak nina Carlo at Donna

Direktor na rin pala si Ysabelle Peach, ang youngest daughter ng direktor na si Carlo J. Caparas at ng sorely missed movie producer na si Donna Villa.

Si Ysabelle Peach ang direktor ng Jacqueline Comes Home (The Chiong Story ) na tunay na kuwento ng karumal-dumal na pagpaslang sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong noong 1997.

Big news noon ang rape-murder case sa Chiong sisters at ikinukumpara ito sa Visconde Massacre na nangyari naman sa Parañaque City noong June 1991.

Hindi maipagkakaila na namana ni Ysabelle Peach sa kanyang ama ang hilig  sa paggawa ng pelikula at pagmamahal sa movie industry.

Mula nang mamatay si Donna, namalagi na si Carlo sa Cebu at malamang na idea niya na isalin sa pelikula ang rape-murder case ng Chiong sisters.

Starring sa Jacqueline Comes Home sina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome. Sina Alma Moreno at Joel Torre ang gumanap na mga magulang nila samantalang si Ryan Eigenmann ang nag-portray na suspect sa pagpatay sa magkapatid.

Show comments