Probinsyano pumalag sa pagpalit ng Starla
MANILA, Philippines — “Walang katotohanan sa haka-hakang nakatakda nang magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano. Patuloy na nae-enjoy ni Coco Martin at ng mga writer ng programa ang pagbuo ng mga bagong ideyang magdaragdag ng aliw, aksyon, at aral sa kwento nito, pati na ang pakikipagtulungan nila sa buong cast at production team. Nananatili ring top-rater ang FPJAP gabi-gabi, at maaasahan ng ating mga Kapamilya na magpapakilala pa ito ng mga bagong kwento at karakter sa pagpasok ng serye sa ikatlong taon nito,” ito ang kabuuang statement ng ABS-CBN kagabi bilang pangontra sa walang katapusang haka-haka na tsutsugiin na ang FPJ’s Ang Probinsyano at papalitan ng series ni Judy Ann Santos na Starla na balitang si Raymart Santiago ang makaka-partner ni Juday dito. Kaso ayon sa source, ang huling alam niya ay hindi raw nakakapag-alam si Raymart sa GMA 7. Ano kayang magiging statement dito ng Kapamilya Network.
Saka paano nga naman ito titigukin, eh ayon sa Kantar Media, Ang Probinsyano pa rin ang nangunguna matapos magkamit ng TV network ng average audience share na 45% noong Hunyo, o 13 puntos na lamang laban sa 32% ng GMA.
Panalo umano sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 43%. Tinutukan din sila sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54% at sa Total Mindanao sa pagkamit nito ng 53%.
Ayon sa listahan ng Kantar Media, patuloy pa rin sa paghahari ang FPJ’s Ang Probinsyano, (42.6%) na sinundan naman ng Your Face Sounds Familiar Kids (33.6%).
Pasok rin sa top ten ang Bagani (32.7%), TV Patrol (29.9%), MMK (27.9%), Home Sweetie Home (25.6%), Wansapanataym (24.9%), It’s Showtime (Saturday) (22.6%), at Rated K (21.2%).
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 48. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Ayon pa sa Kantar, namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 47% at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 44% at tinalo ang GMA.
Pero totoo kaya ang tsika na magsu-subscribe na rin ang ABS-CBN sa Neilsen Philippines kung saan ang resulta ng survey ay ang GMA 7 naman ang nangunguna?
Hindi nagma-match ang result ng survey ng Kantar and Neilsen simula noon pa.
Abangan natin kung ano ang mga susunod na mangyayari, kung magiging head on na nga ang result ng rating nila at kakalas na sa Kantar ang Kapamilya Network.
Right There ni James viral sa Spotify
Nasa no. 15 sa Philippines Viral 50 ng Spotify ang kantang Right There ni James Reid.
In all fairness, tunog imported ang RnB singer na si James sa nasabing kanta.
Hindi bumibitiw ang actor sa kanyang pagmamahal sa music kahit na nga may mga movie project siya. Gagawin ni James and Pedro Penduko pero almost done na nila ang pelikulang Miss Granny, 20 Again starring Sarah Geronimo with Xian Lim.
Humahataw din sa Philippines Viral 50 ang kantang Di Na Muli, ang official soundtrack ng box office movie na Sid & Aya na kinanta ni Janine Tenoso.
Ang husay ni Janine at parang ito na nga ang katapat ni Moira na sumikat ang mga kanta nang maging soundtrack ng mga pelikula.
Matapos ma-issue ng sexting, Kiefer faithful na raw kay Alyssa
Showbiz na showbiz ang mag-dyowang Kiefer Ravena and Alyssa Valdez.
Trending kahapon ang pahayag ng ‘suspended’ basketball star na pinag-uusapan na nilang pakasal ng volleyball star sa interview ni Tito Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda. “Tito Boy, I’ll be honest, we’re not getting any younger as well. ‘Di naman din ganun kalapit. Minsan ‘pag nabi-bring up medyo uncomfortable kasi alam naman namin kung ano ‘yong priorities namin,” sabi ni Kiefer kay Tito Boy.
Hindi rin nakaligtas si Kiefer nang tanungin siya ni Tito Boy kung faithful ba siyang boyfriend. “Yes” ang sagot ng basketbolista.
Maalalang may kumalat na sexting ang basketbolista sa ‘di kilalang babae sa Viber. “With everything that happened to us, to me, I think that’s the only thing I can return to her,” pahabol nitong paliwanag.
Siyempre ang sexting ay yung pakikipagbastusan ng isang individual sa kahit anong digital device.
Maine may pa-tiangge sa fans
Pagkatapos ni Jinkee Pacquiao, si Maine Mendoza naman ang nagbebenta ng mga pre loved items niya.
Si Jinkee nagbenta ng mga Hermes bags niya at ibang branded na kagamitan. Si Maine mula sa Channel espadrille, Gucci wedge hanggang sa mga ginamit niyang damit sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga for sale. “Selling some of my preloved stuff. Proceeds to benefit AlDubNation scholarship drive,” ang nakalagay sa Carousel website niyang ginamit.
- Latest