Edu napaso na sa pulitika, kuntento na sa pagiging VP na lang!
Walang-wala na uling planong pumasok sa pulitika si Edu Manzano.
Sinara na niya ang pintuan para rito. As if napaso na siya sa naging karanasan niya.
Tutal naman ay ramdam na ramdam na niya kung paanong maupo bilang pangalawang pinakamataas na tao sa bansa, ang pagiging Vice President sa Ang Probinsyano. “Ayoko na. Masaya na akong maging VP,” sabay tawa ng actor nang maka-dinner namin recently.
Bukod sa ramdam niya ang maging pulitiko sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin, pinupuri pa ang acting niya.
Bihira nga naman ang nabibigyan ng ganun ka-challenging na role.
Inulit ni Edu na kuntento na siya sa career niya though name-miss niyang magkaroon ng show. Kilalang mahusay na host si Doods (tawag ng mga kaibigan kay Edu) at hinahanap daw niya ang ganung trabaho.
Game siya sa kahit anong concept ng talk show. ‘Yung may freedom siyang gawin at sabihin ang ilan niyang opinion.
Game rin siya sakaling maisipan silang pagsamahin sa isang game show na anak niyang si Luis Manzano.
Actually isang factor sina Edu and Luis kung bakit nagmarka ang kauna-unahang The Eddys last year. First time nagsama ang mag-ama as host sa nasabing award giving body ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at talagang na-enjoy ng lahat ang kanilang kakaibang humor. Ibang level. Sayang nga lang at hindi available ang mag-ama para sa second Eddys na gaganapin sa July 9, The Theatre Solaire. Sina Ruffa and Raymond Gutierrez ang magho-host this year with Tim Yap and Rhian Ramos sa Red Carpet.
Anyway, suwerte na lang din si Edu dahil nakaalis na siya bago natsugi ang programang Celebrity Bluff na si Eugene Domingo ang host. Nag-last episode na ito last Saturday. Papalitan ito ng The Clash with Regine Velasquez as host.
Alden bata ang napisil na pagkumpisalan ng mga sikreto
Bagets ang magiging sidekick ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.
Ang bibo at super cute na Kapuso child star na si Yuan “Pao Pao” Francisco na gaganap bilang si Yuan na pamangkin ni Victor na si Meloy. “Lagi ako sumasama sa kanya kahit wala [akong] super power. ‘Tas ako lang po ‘yung [nagsasabi ng] ‘Go Tito, go Tito.’ Gumaganun lang po ako. Taga-cheer ako,” sabi ni Pao Pao na unang nakilala sa Encantadia bilang taga-pangalaga ng ika-limang brilyante.
“Siya ang nakakaalam ng sikreto ni Victor Magtanggol. Siya ang magiging kasama ko sa mga adventure, siya magiging kasama ko sa training ko. Magaan katrabaho ‘yung batang ‘yun eh,” sabi naman ni Alden sa batang katrabaho.
Sen. Sonny Angara naalala ang ama sa laban ni Pacman
Ngayong nalalapit na naman ang laban ni Pambansang Kamao and Sen. Manny Pacquiao, nagpa-flashback na naman kay Sen. Sonny Angara ang hilig ng kanyang nasirang amang kilalang educator, public servant, lawmaker, a patriot and a great statesman sa boxing, si former Senate President Ed Angara. Yup, bukod daw kasi sa panonood ng news programs, gustung-gusto nitong manood ng boxing matches. “TV was always on BBC or CNN. He loved watching boxing matches especially Muhammad Ali, Sugar Ray Leonard, Manny Pacquiao. Doon talaga kami may super bonding,” pag-alala ni Sen. Sonny sa isang interview.
Pero ano nga bang best memories niya with his dad? “My best time with my Dad was when we travel whether it’s in the Philippines or overseas. Away from the distractions that come with our work. So it’s just us spending time together, just being ourselves as father and son and as family. We loved going to the beach or farm in Baler and Batangas. Overseas, he’s more relaxed. He got to do what other fathers do—he cooks, does grocery shopping, goes to the bookstore, which he really loved,” kuwento pa ng batang senador.
Binabalik-balikan niya rin ang pagiging less strict at conservative ng ama nung mga bata sila kung saan bawal silang sumakay ng roller coaster at maging ng bisikleta. Pero pagdating sa libro, generous daw ito simula nung bata pa sila. “Nung naging teenager ako naging less strict siya. One time nabangga ko yung kotse niya so akala ko magagalit siya pero ‘di naman siya nagalit tulad ng ine-expect ko. Konti lang. When I graduated from UP Law I told him I was Top 20, but he said, “Why not top 10?” I said I was on the editorial team of the school paper, pero sabi niya, “Why not editor-in-chief?.”
At tuwing maaalala ang mga ‘yun, nalulungkot uli siya. Namayapa si Sen. Angara noong May 13 sa edad na 83.
Anne rumesbak sa panghihingi ng donasyon
“At least, may ginagawa kami. Hindi nganga and puro complaining on social media platforms instead of actually doing something,” ang sagot ni Anne Curtis sa mga nagmamaganda sa ginawa niyang paghingi ng barya-barya para sa UNICEF kung saan siya Ambasadress nang bumiyahe sa Cagayan de Oro last Sunday.
“With all due respect madam, trust me, I do my own part and donate from my own pocket on many different occasions to UNICEF and my own foundation Dream Machine. But for this specific project the main goal is using where I am to INSPIRE others to do good and donate loose change – ONLY IF THEY CAN.
“Mukha naman po silang masaya sa picture dahil nakatulong sila sa kapwa Pilipino nila. That’s why if you read my caption, I even pointed out na sana sa future flights, in Cebu Pac, when you see the flight attendants passing around this bag, and you do have the extra change, kahit piso, it will go a long way in helping the Filipino children...” sagot pa niya sa patutsadang bakit hindi na lang siya magbigay ng galing sa kanyang sariling bulsa at bakit kailangan pang humingi sa mga maliliit lang ang kita
Ayon kay Anne nakakolekta siya ng tatlong bags ng barya.
“I was able to collect 3 full bags! Salamat sa Lahat ng passengers and thank you for renewing this program with us! I truly hope this becomes a LIFETIME partnership! To all CEBUPAC passengers, next time you’re on a flight and the lovely F.A’s come around with this bag know that you are helping children that benefit from the first 1000 days program of UNICEF Your loose change goes a looooooong way. Salamat po!.”
At least ito may katuturan kesa naman puro lang kanegahan eh ang dami na nangyayari sa ating paligid na hindi na nakakaaliw.
- Latest