Gosh ang cute cute at super lovable ang Korean actor na si Jung Hae-in na nagkaroon ng fan meeting sa Kia Theater last Saturday night.
Parang sincere din ang kabaitan niya sa fans. Pero as usual, tulad sa maraming artista, mas antipatika pa ang mga alalay niya. Hahaha. Napagalitan pa nga niya ang staff nang humarang ito sa pila.
Pardon my word, pero makalaglag underwear naman kasi ang smile ni Jung lalo na dun sa huli niyang k-drama series na Something in the Rain.
As in, tagos sa buto ang kilig sa mga nakapanood na. Hahaha. Pero mabilis siyang nakilala sa K drama na While You Were Sleeping.
At in all fairness, mukhang madatung ang mga fans niya ha. Mga branded ang suot ng mga ateng na nakasabay namin. Hindi mga basta-basta ang hitsura. At ang tickets mga may suot na badges, almost 10K.
Pag P10k ka at may badge may high touch (yung pipila at may high five) plus groufie with other fans with Jung. Buti na lang at friends namin sila Ms. Veana F. and Tita Dolor G. Hehehe.
Tumagal ng three hours and Jung Hae-in Smile Fan Meeting in Manila. Ang advice ay two hours lang ito, 6 to 8 p.m. pero naging accommodating ang actor.
Isang beses lang siya nagbigay ng song number pero may games for the fans, raffle, getting to know portion kung saan nagpakita siya ng mga throwback photos niya at meron pang time na tumalon siya sa stage ay nilapitan ang isang PWD fan na nasa audience. May advice na kasing kung meron fans na may kapansanan o senior citizen, wag nang pumila dahil lalapitan na lang niya.
True enough biglang tumalon ang lovable actor at saka lumapit sa may kapansang fan.
Marami ring nagbigay ng gifts na masaya niyang tinatanggap sabay kuha ng kanyang security.
Nagpasalamat si Jung sa pamamagitan ng isang sulat na binasa niya pa habang nangingiyak-ngiyak sa nakitang pagmamahal sa kanya ng Pinoy fans.
Nangako siyang babalik ng Manila at magta-trabaho siya ng maayos para sa fans na nagmamahal sa kanya.
Saranghae Jung. See you again. Hahaha.
CEB review tuwing lunes na
Starting today, every Monday na ang review ng Cinema Evaluation Board (CEB). Nakasanayan na ng mga producer na tuwing Tuesday ang review na the following day, Wednesday, ang showing ng pelikula nila.
Kung sabagay may pagkakataong showing na lang ng Tuesday ang pelikula pero minsan ay nagmamadali pa rin sila.
Sa Cinematheque, Manila na rin ginaganap ang review na magandang idea dahil mas nakakatipid.
Juliana Parizcova Segovia nanalo sa sagot tungkol sa nanay
Halos isang taon matapos unang makatungtong sa It’s Showtime stage, kinoronahang Miss Q and A 2018 ang kauna-unahan ding hall of famer ng kumpetisyon na si Juliana Parizcova Segovia noong Sabado (June 30) sa grand finals na ginanap sa Resorts World Manila.
Base sa scores ng sampung celebrity judges, si Juliana ang nagbigay ng pinakamagandang “final answer” sa tanong na “Ano ang pinakamahirap na tanong at bakit?”
Sinagot naman ito ni Juliana ng, “Ano ang kinatatakutan mo?” dahil umano sa takot niyang mawala ang ina na itinuturing niyang inspirasyon sa kanyang mga laban.
Natalo ni Juliana ang isa pang hall of famer na si Matrica Matmat Centino na itinanghal na first runner-up, at si Lars Pacheco na naging second runner-up naman.
Nag-uwi naman si Juliana ng retoke package na nagkakahalagang P500,000, trip para sa dalawang tao sa Thailand, business franchise na nagkakahalagang P900,000, ang Miss Q and A na korona at tropeo, at P1 milyon.
Isa si Juliana sa maituturing na early favorites ng kumpetisyon dahil bukod sa pagiging unang hall of famer, marami ring views at positibong kumento online ang mga sagot niyang madalas ay malaman, malalim, at may kaugnayan sa lipunan.
Mula sa sampung grand finalists, pumasok si Juliana sa top six, at lumusot ulit sa top three matapos matalo si Elsa Droga sa Debattle round.
Naging makasaysayan din ang pagtatapos ng unang season ng Miss Q and A dahil isinulong nito ang malalim na perspektibo sa pagkakaiba-iba ng lahat at sabay na idinaos sa Pride March na naglalayong pagbuklurin ang mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.
Isang makulay na number ang nagbukas sa programa tampok ang LGBT icon at host na si Vice Ganda, kasama ang “Miss Q and A” candidates na suot-suot ang costumes na taglay ang lahat ng kulay ng bahaghari, ang simbolo ng LGBT community.
Nagsilbi namang mga hurado sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, Karylle, fashion designer na si Paul Cabral, Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, aktor na si JM De Guzman, mixed martial artist Brandon Vera, mamamahayag na si Korina Sanchez, at ang King of Talk na si Boy Abunda.
Sa pagtatapos ng Miss Q and A grand finals na pinamagatang Miss Q and A: The Final Answer… And I Thank You! inianunsyo rin na magbabalik pa ang patimpalak para sa ikalawang season.