^

PSN Showbiz

Herbert binuko ang totoong kuwento sa singsing ni Kris

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Herbert binuko ang totoong kuwento sa singsing ni Kris
Herbert

SEEN: Nag-peace sign si Christian Bautista sa presscon ng The Clash ng GMA 7 nang banggitin ang pagpapakasal nila ng kanyang fiancé sa November 2018 sa Bali, Indonesia. 

SCENE: Napahalakhak si Lani Misalucha nang ma-realize nito na nasa presscon siya ng The Clash ng GMA 7 nang sabihin niya na huli silang nagkita ni Ogie Alcasid sa studio ng ASAP ng ABS-CBN

SEEN: Posible na abutin ng February 2019 ang telecast ng Ang Probinsyano, ang longest running primetime teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN dahil pinag-aaralan pa ng management ang programa na ipapalit nila. 

SCENE: May ibang version ang kuwento tungkol sa engagement ring na binili ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para kay Kris Aquino. Blessing in disguise na declined ang credit card ni Bautista sa jewelry store sa Italy na pinuntahan nila ni Kris dahil nakaiwas siya sa malaking gastos. 

SEEN: Expected na hindi kokontrahin ni Herbert Bautista ang version na ipinagkakalat ni Kris Aquino tungkol sa tunay na kuwento sa pagbili niya ng singsing dahil pulitiko at gentleman siya. 

SCENE: Ang filmfest movie nila ni Vic Sotto ang second movie directorial job ni Coco Martin. Tulad sa Ang Panday, gagamitin ni Coco bilang direktor ng Popoy En Jack: The Puliscredibles ang kanyang tunay na pangalan na Rodel Nacianceno. 

SEEN: Hindi pa inihahayag ng mga producer ng Popoy En Jack kung si Maine Mendoza ang leading lady ni Coco Martin sa unang pagkakataon na pakikipagsanib-puwersa nito kay Vic Sotto. 

HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with