^

PSN Showbiz

Dating palaboy, Boy Alano binigyan ng bagong simula

Pilipino Star Ngayon
Dating palaboy, Boy Alano binigyan ng bagong simula
Boy

MANILA, Philippines — Mula sa paninirahan sa isang malamok at sira-sirang garahe, handa na ang dating child actor at komedyanteng si Hernando “Boy” Alano na buksan ang bagong kabanata ng buhay sa tulong ng programang Mission Possible sa ABS-CBN.

Dating sidekick sa mga bigating artista tulad nina Dolphy, Fernando Poe, Jr., at German Moreno si Boy, na naging usap-usapan muli nang kumalat ang isang post sa Facebook tungkol sa kanyang kawawang kalagayan.

Sa pangunguna ni Julius Babao, nahanap si Boy sa Sampaloc, Manila, kung saan umaasa lamang siya sa mga kaibigan para sa pangkain sa araw-araw. Kwento niya, nagpasya siyang mamuhay mag-isa nang hindi maging pabigat sa pamilya dahil sa kanyang problema sa pag-iinom. Sa alkohol kasi siya bumaling nang tumamlay ang karera, at ito ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya.

Walang naipon at naipundar sa edad na pitumpu’t pito, inamin niyang nais na lang niyang lumisan sa mundo.

“Ayoko nang humaba pa buhay ko, gusto ko nang manahimik. Tuwing umaga sinasabi ko Lord, handa na po akong kunin Ninyo. Ayoko na ang takbo ng buhay ko,” sabi ni Boy.

Sa dalawang episode ng Mission Possible nitong Hunyo nakita kung paano tinulungang makabangon si Boy ng programa, simula sa pag-aayos ng kanyang samaan ng loob sa mga anak. Pinatingin din siya sa eksperto, ipinamili ng gamit, at sinamahan sa Department of Social Welfare and Development at Mowelfund, Inc., na samahan ng mga manggagawa sa pelikula, upang makakuha ng karagdagang suporta.

Patuloy na tututukan ng programa ang kabanatang ito ng buhay ni Mang Boy hanggang sa tuluyan na siyang makabangon.

Sa pagpapatawad ng mga anak, at pagmamahal at suporta ng luma at bagong mga kaibigan, naniniwala siyang kaya pa niya magbagong buhay sa kanyang edad.

“Ang masasabi ko, napakamatulungin nila at nagpapasalamat ako na maski ganito ako, natulu­ngan nila ako. Hindi ko sukat akalain na mahal niyo din pala ako kaya tinutulungan niyo ako ng ganito. Siguro kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magbabago,” aniya.

Panoorin ang iba pang kwento ng malasakit at pag-asa sa Mission Possible tuwing Lunes, 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo o pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

HERNANDO “BOY” ALANO

MISSION POSSIBLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with