Jaki Gonzaga ang name ng isa sa seven dancers ng It’s Showtime na napili from out of 50 na nag-audition for the show. Nakatakda marahil siya na sumikat dahil siya ang napili ni Vice Ganda na maging ka-loveteam sa show matapos ang sinsubaybayang pagtatandem nila ni Karylle. It’s so unfortunate lamang na may isang Bela Padilla na nagsisilbing third wheel sa kanilang loveteam pero, wala siyang pangamba, bentahe daw niya na mayro’n siyang dimples.
Mula nang ma-establish ang tandem nila ni Vice, dumami ang shows niya at lumaki ang income niya. Marami na ang nakakakilala sa kanya. Hindi rin naapektuhan ang lovelife niya.
Mayroon siyang karelasyon ng mahigit isang taon na miyembro ng sikat na #Hashtag, si Tom Doromal. Supportive ito sa gumagandang karera ng bina-bash na dancer lang daw pero, matiyagang nakatapos ng kolehiyo.
Robin pinamamadali na ang kasal nina Kylie at Aljur
Sino nga ba ang dapat isyuhan o sisihin ni Robin Padilla sa hindi pagpapakasal ng anak niyang si Kylie Padilla at Aljur Abrenica?
Nakabalik na si Kylie sa kanyang trabaho at napapasaya na ang kanyang ama sa ginagampanang role sa The Cure na isang aksyon pero, mas mapapasaya niya ito kung magagawa niyang legal ang pagsasama nila ni Aljur. At siguradong aabot hanggang langit ang galit nito kapag nagbuntis siyang muli ng hindi pa sila nakakasal. Ito ang kabilin-bilinan sa kanya ni Binoe.
Long susubukang magpaiyak
Kung nasasapawan man ni Bayani Agbayani si Long Mejia sa pagiging isang komikero dahil ginawaran muli ito ng Best Comedy Actor ng Dove Awards sa dalawang magkakasunod na taon, susubukan naman ng Maalaala Mo Kaya kung kayang malampasan ni Long ang hamon na ibibigay ng programa sa kanya bukas sa isang napaka-madramang role kasama si Jairus Aquino.
Isang ama siya na kailangang mapabilib ang anak niya na makakaya niyang itawid ang kanilang buhay sa kabila ng kanilang kahirapan at kakulangan niya ng kakayahan.
Isang mahirap na role ito na inaasahan ng komedyante na maglalagay sa kanya sa isang posisyon na kaiinggitan ng mga kapwa niya komedyante.
Anak ni Danny sumulpot
Marami ang nakaka-miss na kay Danny Javier. Bigla na lamang kasi itong nawala sa showbiz circle, ‘di tulad nina Jim Paredes at Buboy Garovillo na aktibo pa sa kanilang pag-aartista.
Walang balita sa dahilan ng pagkawala ni Danny pero, sa pagpasok ng kanyang anak na si Jobim Javier via the musical Eto Na! Musikal nAPO, matatanong na ito tungkol sa kanyang ama.
Nakatakdang mapanood ang stage musical na nagtatampok sa kanta ng APO sa Maybank Performing Arts Theater sa August 3.