Mestiza ang girl na nag-win ng Miss Manila 2018 crown, ang Filipina-Australian na si Kathleen Joy Paton na hindi baguhan sa mga beauty contest dahil siya ang reigning Miss Teen International, ang beauty pageant para sa teenage girls.
Bagets, beauty and brains si Kathleen. Ang sabi ng mga nanood ng coronation night sa PICC Reception Hall noong Martes, malaki pa ang igaganda ni Kathleen na puwedeng sumali sa Bb. Pilipinas o Miss World Philippines kapag natapos na ang term niya bilang Miss Manila 2018.
Isang milyong piso ang halaga ng mga premyo na na-take home ni Kathleen, kalahating milyong piso at Viva management contract na worth P500,000.
Marami ang nanibago sa winners ng Miss Manila dahil mga tisay ang nanalo at ang ilan sa mga runner up niya. Obvious na may foreign blood ang mga runner up ni Kathleen tulad ni Malka Suaver, ang 1st placer at ang 3rd runner up na si Kristi Banks na nanalo ng special award na Darling of the Press.
Second runner up si Paulina Labayo at fourth runner up si Agatha Lei Romero na official candidate sa Bb. Pilipinas noong March 2018.
Edu suki sa Manila
Si Edu Manzano ang surprise co-host ng Miss Manila 2018 dahil na-cancel ang previous commitment niya.
Ang mga pangalan lang nina Xian Lim at Yassi Pressman ang nakalagay na mga host sa pralala ng Miss Manila kaya marami ang natuwa sa biglang pag-apir ni Edu.
Parang hindi talaga complete ang Miss Manila kung wala si Edu dahil siya ang host ng beauty pageant buhat nang ibalik ito ni Manila City Mayor Joseph Estrada, five years ago.
Nag-enjoy si Edu sa stint niya noong Lunes dahil para sa kanya, ang Miss Manila ang “still one of the most organized pageants ever” kaya isang tawag lang sa kanya para mag-host, yes agad ang sagot niya.
Mga contestant sa show ni Regine, matagal hinanap!
Ngayon ang grand launch ng The Clash, ang reality talent competition ng GMA 7.
Si Regine Velasquez ang host ng The Clash at piling-pili ang mga contestant na magtatagisan ng galing sa pagkanta.
Inikot ni Regine at ng mga co-host niya sa The Clash ang buong Pilipinas para hanapin ang mga aspiring singer na nangangarap na magkaroon ng singing career. Hindi sila na-disappoint dahil hindi matatawaran ang talent sa pagkanta ng mga nag-join sa auditions.
At dahil pamper day ko today, hindi ako makakapunta sa presscon ng The Clash. Makikibalita na lang ako sa mga ganap.
Jerald-Valeen movie ‘di kailangan ng gimik
Showing na sa mga sinehan, mula pa kahapon, ang The Write Moment, ang romantic comedy movie nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro.
Ang Viva Films ang nag-release sa mga sinehan ng pelikula nina Jerald at Valeen na very comfortable sa isa’t isa dahil magkasama sila sa Sunday PinaSaya.
Ang team up nila sa The Write Moment ang dahilan kaya may tsismis na nagkaroon ng secret relationship ang dalawa na pinagdududahan na publicity gimmick para umingay ang pelikula nila.
Sa true lang, hindi kailangan ng mga cheap gimmick o pag-iimbento ng balita para i-promote ang pelikula, lalo na kung talagang maganda ang kuwento at ang finished product.