^

PSN Showbiz

Goma hinahanap na ang camera...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Goma hinahanap na ang camera...

Hinahanap-hanap na umano si Richard Gomez ang pag-arte sa harap ng kamera. Abala ngayon ang actor-politician sa pagiging Mayor sa Ormoc City, Leyte. “Miss na miss ko na ang showbiz,” bungad ni Richard.

Pinag-aaralan umanong gumawa ng isang bagong pelikula ng aktor sa mga susunod na buwan. “I had a meeting two weeks ago to do a movie. Kinuwento sa akin ‘yung movie. Sabi ko, tingnan ko lang ‘yung script, basahin ko lang, and I will decide in the next three weeks,” pagbabahagi niya. 

 Gusto raw ni Richard na sa Ormoc na lamang mag-shooting para sa bagong pelikulang gagawin. “Very much open, anytime. Maraming lugar dito, Lake Danao is here. Ormoc City is here, Kalanggaman Island is open, pwede talaga. Sinasabi ko nga doon sa na-present na script sa akin na movie, tutal mayroon namang beach, sea. Sabi ko bakit hindi natin gawin dito sa Ormoc,” pagdedetalye ni Goma. 

Bilang Punong-Bayan ay hindi umano posibleng makagawang muli ng isang teleserye si Richard. “Actually ang laging sinasabi sa akin, kung gusto ko gumawa ng soap (opera). Problema kasi as a Mayor, kailangan lagi akong nasa Ormoc, kailangan nandito ako. As much na gusto ko gumawa ng soap, hindi ako makakaalis three times a week para mag-taping,” paliwanag niya.

 Matapos Ma-stroke,  WILLIE NEP,  Halos dalawang taon nakaratay 

Magdadalawang taon nang hindi aktibo sa trabaho ang sikat na impersonator na si Willie Nepomuceno dahil nakaranas ng stroke. “Actually, I had a brain stroke, the cerebellum. ‘Yung parang kay FPJ (Fernando Poe, Jr.), kaya lang hindi ako nagaya kay FPJ eh. Hindi tumuloy dahil mas malakas ‘yung kanya, one time lang. Ako naman na-dislocate ‘yung eye sight ko. Medyo nag-stagnant ng konti pero luckily, wala namang tumabingi sa akin. Hindi naman ako na-paralyze. But I was also in bed for about 1 and ½ to 2 years,” pagdedetalye ni Willie. 

Itinuturing ngayon ng komedyante na pa­ngalawang buhay na ang ipinagkaloob sa kanya kaya mas pagbubutihin parang trabaho.“Kumbaga rebirth ko na rin ito dahil second life ko. Life must go on, the show must go on. Magre-retire na rin sana ako but for so many years parang ‘yung talent waiting for a chance to be discovered. ‘Yung call ng audience na meron pa rin palang naniniwala, ibig sabihin may pagkakakitaan,” nakangiting paliwanag ni Willie. 

Abala na ngayon sa paghahanda ang impersonator sa nalalapit nilang show ni Nonoy Zuñiga na may titulong Music and Laughter. Gaganapin ito sa The Theater ng Solaire sa July 27.

RICHARD GOMEZ

WILLIE NEPOMUCENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with