Walwal huhusgahan na!

WALWAL cast

Ngayon ang opening day ng Walwal sa cinemas nationwide at siyempre, hoping and praying ako na kumita ang youth-oriented movie dahil malapit sa puso ko ang mga producer, si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle Monteverde.

Nag-attend ako sa presscon noon ng Walwal at promising naman ang trailer ng pelikula na pinagbibidahan ng mga anak ng mga artista, sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Donny Pangilinan.

Anak ni Francis M. si Elmo, si Gary Estrada ang tatay ni Kiko, ang former actor na si Jessie Delgado ang ama ni Jerome at protective mother si Maricel Laxa kay Donny.

Unang pelikula ni Donny ang Walwal na mula sa direksyon ni Joey Reyes. Hindi nakakalimutan ni Donny ang madalas na pagsama niya noon sa mga shooting ni Maricel sa mga pelikula nito na si Joey ang direktor.

Proud father naman si Gary dahil gumaganda ang takbo ng showbiz career ni Kiko. Maganda ang relasyon ng mag-ama, kahit hindi sila magkasama sa iisang tahanan.

Kung nasaan man ngayon si Francis, sure na ipinagmamalaki niya ang achievements ni Elmo sa showbiz.

Sandali lamang ang showbiz career noon ni Jessie na napanood sa mga action movie ni Phillip Salvador pero tiyak na maligaya rin siya sa takbo ng career ni Jerome.

Starring sa Walwal si Kisses Delavin at si Donny ang kapareha niya.

Second movie ni Kisses ang Walwal. Bago ko nakita si Kisses sa presscon ng Walwal, naririnig ko na ang pangalan niya mula kay Ricky Lo.

Puring-puri ni Papa Ricky ang mga magulang ni Kisses na maganda ang PR at alam niya ang kanyang sinasabi dahil neighbors sila sa isang condominium building somewhere in Quezon City.

Namana ni Kisses ang good PR ng kanyang ama at ina. Personal na pinuntahan at inimbitahan ni Kisses ang mga bossing ng ABS-CBN sa red carpet premiere ng Walwal na ginanap kagabi sa SM Megamall. Touched na touched ang mga boss ng ABS-CBN sa effort at gesture ni Kisses. Kahit hindi sila makakadalo, nag-wish ang mga bossing ni Kisses na maging blockbuster ang Walwal at gumanda pa ang takbo ng showbiz career ng baguhang aktres.

Nagpapanggap na Lolit Solis sa Twitter dinidepensa pa ang panggagamit

May mga natanggap ako na reaksyon tungkol sa impostor sa Twitter na gumagamit sa pangalan at picture ko.

Sinasabi ng mga defender ng impostor na parody account lamang sa Twitter ang nakita ko dahil binabago rin ang pangalan at ang profile picture kaya wala akong dapat ikabahala.

Parody man o hindi, mali pa rin na gamitin nila ang pangalan at litrato ng ibang mga tao dahil maituturing pa rin ito na panlilinlang at identity theft.

Puwedeng gamitin ang name na Lolit Solis dahil hindi lang naman ako ang nag-iisang Lolit Solis pero sobrang obvious na kapag ginamit ang litrato ko. May motibo na para manloko ng kapwa.

Subukan kaya nila na ilagay ang sarili sa posisyon ng mga tao na kanilang ginagaya, ano ang mararamdaman nila?

Simple lang naman ang buhay. Kapag mali, mali. Hindi na kailangang i-justify o ipilit na ituwid ang isang mali. Remember the golden rule,do to others as you would have them do to you.

Show comments