^

PSN Showbiz

Miss Q and A at TNT, back-to-back ang bakbakan sa Showtime

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Miss Q and A at TNT, back-to-back ang bakbakan sa Showtime
Miss Q & A Finalists

MANILA, Philippines — Sanib-pwersa sa pagbibigay ng aliw at saya sa madlang people ngayong linggo ang parehong semifinals at grand finals ng Miss Q and A at nagbabalik na Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Kasalukuyang ginaganap ang isang linggong semifinals ng Miss Q and A kung saan tinatahak ng beki beauty queens ang mga huling hakbang para sa koronang inaasam nila.

Limang semifinalists ang naghaharap kada araw sa talakan at sagutan, at ang mananalo sa kanila ang siguradong may pwesto na sa grand finals na pinamagatang Miss Q and A: The Final Answer… and I Thank You! na gaganapin sa Resorts World Manila sa Sabado (Hunyo 30).

Sa ngayon, pasok na sina Lars Pacheco, Khei Parlaoan, at Princess Khim Santillan sa grand finals. Makakatapat naman nila ang tatlong hall of famers na sina Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rianne Azares – ang mga beauty queen na nagwagi na ng sampung korona sa daily round.

Bukod naman sa naturang anim na grand finalists, anim na lang din ang kailangang kunin mula sa semifinals para makumpleto ang listahan ng 12 grand finalists na magsasalpukan para sa titulong Miss Q and A.

Ang magtatagumpay namang reyna ng sagutan ay magwawagi ng retoke package na nagkakahalaga ng P500,000, all-expense paid trip para sa dalawang tao papuntang Thailand, ang Miss Q and A crown at trophy, at P1 milyon.

Kung patapos naman ang beki beauty pageant na araw-araw na sinubaybayan ng bayan, nagbabalik din ngayong linggo ang labanan ng mga pangmalakasang boses tuwing tanghalian.

Sa ikatlong taon, muling susuyurin ng Tawag ng Tanghalan ang pinakamagagaling na boses mula Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao upang hanapin ang susunod na singing superstar.

Dahil sa back-to-back na excitement na dala ng Miss Q and A at Tawag ng Tanghalan,”nananatiling panalo sa ratings ang It’s Showtime sa buong bansa at simula ng linggo noong Lunes (Hunyo 25), ayon sa Kantar Media.

EasyTV may kakaibang offer sa mga manonood

Hindi na kailagan pang bumili ng mahal na cable o mag-subscribe para lang makanood ng mga de-kalidad na palabas, dahil nandito na ang EasyTV Superdigibox, na puwedeng panooran kahit mapa-local man o international channels.

Ang Solar Digital Media Holdings, Inc., na mula sa Solar Entertainment Corporation ay isa sa pinakamalaking content providers at channel ope­rators sa Southeast Asia.

Ino-offer nito ang tiyak na quality entertainment sa abot kayang halagang P2,999 sa pamamagitan ng EasyTV.

Handog ng EasyTV ang 15 premium local at international channels na mayroong general entertainment for kids, music and sports, travel and lifestyle at ma­rami pang iba!

Bukod sa networks ng Solar Entertainment na ETC, Jack TV, Solar Sports, BTV at NBA Premium TV, mayroon din ang EasyTV ng MTVph, BOO, K Plus, Zoo Moo (world’s first children’s network na tungkol lamang sa mga hayop), Aniplus, Outdoor Channel, Gone Viral TV (popular online videos na ngayon ay nasa TV na), Zee Sine (Bollywood entertainment), Shop TV at History Channel.

“As viewing habits are changing with the times, we believe that EasyTV will also be a game-changer, not only in the viewing experience, but also in the digital media industry in the country,” sabi ni Wilson Tieng, President at CEO ng Solar Entertainment Corporation.   

IT’S SHOWTIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with