^

PSN Showbiz

Singer ang sarap hampasin ng kawayan sa katigasan ng ulo sa mga ex deal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahihirapan nang makahanap ng makaka-ex-deal ang isang pamosong male singer dahil kumalat na sa buong industriya ng mga kumpanyang nakikipagkontrata ng promo sa mga personalidad ang kanyang ginawa.?

Sikat na sikat nu’n ang tropa ng male singer, paborito sila ng mga bagets, sila rin ang hinihinging performers sa malalayong probinsiya dahil bukod sa sikat na ang kanilang banda ay mga guwapo pa sila.

Sa dami ng kanilang mga shows ay kailangan nang makipag-ex-deal ng grupo para sa mga isusuot nilang t-shirts, sapatos at jacket. Natural, mabilis silang nakakuha, nanginginig ang mga kumpanya dahil panahon nga nila.

?Kuwento ng aming source, “Okey naman ang mga unang linggo ng transaction, pero habang nagtatagal, hindi na ginagamit ng male singer ang mga produktong ka-ex-deal nila!

?“Ang mga kasama na lang niya sa banda ang nagsusuot, ayaw na niyang gumamit, dahil nababaduyan daw siya. Exclusive pala ang gusto niya, ‘yung sila lang ang meron, ayaw niyang nakikitang suot ng mga kababayan natin ang mga stuff ng banda nila!

?“Kinausap na ng mga kumpanyang nag-sponsor sa grupo kung bakit ganu’n, ipinarating naman ng manager sa male singer ang problema, pero deadma lang siya! Parang wala lang siyang narinig, talagang hindi pa rin siya nagsusuot!

?“Ayun, dahil sa katigasan ng ulo ng male singer, tinapos na lang ng mga kumpanya ang kanilang kontrata, hindi na sila ine-renew!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

?Ganu’n naman talaga ang bokalistang ‘yun. Talagang matigas ang kanyang ulo. Kung ano ang maisipan niya, ‘yun ang kailangang mangyari, walang boses ang mga kabanda niya.

?“Kapag nangailangan siya ng sponsor ngayon, e, siguradong mahihirapan nang makakuha ang nagma-manage sa kanya. Kalat na kalat na kasi sa industry ang mga pinaggagawa niya nu’n!

?“Mag-show na lang siya nang nakahubad, gamitin na lang niya ang mga sarili niyang damit, sapatos at jacket, ‘yun naman talaga ang gusto niya, di ba? Napakasarap talagang hampasin ng kinayas na kawayan ang mokong na ‘yun!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa 20th floor.

?Ubos!

Ara wala nang pakiramdam sa ‘pang-aagaw’

Pinanindigan na talaga ni Ara Mina ang hindi pagsasalita tungkol sa nabuking niyang pakikipagrelasyon sa isang ikakasal na sanang pulitiko. Nagpo-post na ng mga hinaing si Rina Navarro na pakakasalan na sana ng pulitiko pero deadma lang si Ara.

?Kailan lang ay may ipinost ang babae na ayaw kumibo ni Ara, palibhasa’y sanay na sanay na siya sa pakikipagrelasyon sa mga pamilyado na, si Vina Morales pa nga ang kapalitan ng mensahe ni Rina pero talagang deadma lang si Ara.

?Mukhang hindi titigil ang babae   sa pambubulabog kay Ara, pasundut-sundot lang ang mga parinig nito, pero sumasapul sa aktres na kinaibigan pa naman nito.

?Nakakatawa ang komento ng kaibigan naming propesor, ang kanyang reaksiyon, “Ang tawag sa ganu’ng girl, e, bantay-salakay. Kinakaibigan niya ang misis o karelasyon ng kinakarelasyon niya, para alam niya ang mga whereabouts ni misis.

?“Betrayal of trust ang nangyari kina Ara at Rina. Kinaibigan niya ang babae, pero ang tinatrabaho naman pala niya, e, ‘yung lalaki! Buti, nabuking siya!” komento ni prop.

?Nasisilip namin ang Araw Gabi, ang pinagbibidahang serye ni JM de Guzman, kasama sa palabas sina Ara at Vina. Paano kaya ang kanilang tratuhan sa set, kaibigan ni Vina si Rina, kalaban naman nila si Ara?

?May napapansin lang kami sa itsura ni Ara Mina, bakit parang bumagsak ang kanyang mukha, kundi nga namin siya tinitigang mabuti nang pumasok na siya sa serye ay hindi siya makikilala.

?Parang may problema sa kanyang kilay at mga mata, parang nag-droop ‘yun na ewan, madalas din kayang magpunta sa mga salamat po, doktor ang aktres?

?O baka naman dahil nagkakaedad na rin siya? ‘Yun ang hindi kayang gawan ng solusyon ng mga nagpaparetoke, gumanda man sila ay lumilitaw pa rin ang tunay nilang edad, hindi natatakasan ng kahit sino ang pagtakbo ng panahon.

ARA MINA

RINA NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with