Hindi ako type ng supporters ni Duterte – Kris
MANILA, Philippines — Aminado si Kris Aquino na nami-miss niya na ang pagtatrabaho sa ABS-CBN ngunit alam niyang hindi pa siya makakabalik
Ang itinuturong dahilan ni Kris ay ang kaugnayan niya sa Liberal Party at ang hindi magandang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kapamilya network.
“I know that their (ABS-CBN’s) franchise is at stake. I’m being so honest, diretsahan na ‘yan so why do they risk it by giving me a show especially na kahit wala naman kaming isyu ni president (Duterte), hindi naman ako type ng supporters niya. So naiintindihan ko kung bakit wala,” wika ni Kris sa presscon ng pelikulang “I Love You, Hater.”
Sinabi niya na kung hinahanap-hanap siya ng kaniyang fans ay sa social media na lamang muna sila magkikita-kita.
“Pero they can see me every night if they want to, I’m online and I have 53 brands supporting me.”
Sa katunayan ay magkakaroon ng talk show si Kris online ngunit tumanggi na siyang idetalye pa ito.
“I was forbidden to say more, I’m sorry. Sinabi ko nga eh, normally wala akong kinakatakutan pero ang kontrata at non-disclosure agreement kinakatakutan ko,” patuloy niya.
“Ang gusto n’yo namang mangyari, mangyayari pero sa tamang panahon pa raw pwede sabihin kung kailan.”
- Latest