^

PSN Showbiz

Movie ni Aga at Bea ginawang Nick and Ali!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Movie ni Aga at Bea ginawang Nick and Ali!
Bea at Aga

Out of the country si Sandy Andolong dahil nagpunta siya sa Vancouver, Canada, kasama ang kanyang anak na si Mica na deserving ng much-needed rest.

Trabaho at hindi bakasyon ang ipinunta ni Sandy sa Vancouver dahil kasama siya sa cast ng first movie team up nina Bea Alonzo at Aga Muhlach.

Nanay ni Bea ang role ni Sandy na masaya dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho sa isang movie project ang very charming actress. Noong Huwebes ang first shooting day ni Sandy para sa Aga-Bea movie.

Si Paul Soriano ang direktor ng pelikula na may working title na Nick and Ali. Si Bea si Ali at si Aga si Nick.

Kadamay hindi nakalusot sa pang aagaw ng bahay

Nakakaloka ang ginawa ng mga miyembro ng KADAMAY na sumugod sa housing project ng pamahalaan para sa mga pulis at military sa Rodriguez, Rizal dahil wala raw silang mga bahay na matitirhan.

Ang ginawa ng KADAMAY ang nag-udyok kay President Rodrigo Duterte na utusan ang mga pulis na huwag hayaan na mag-take over ang mga pasaway or else, tiyak na iiral ang karahasan.

Nakakatakot ang gusto nila na i-occupy ang mga pabahay na walang nakatira at kahit nga nandiyan na ang mga pulis at militar, sapilitan pa rin sila na pumapasok.

Naku ha, para bang wala nang maaring gawin, dahil ang dami nila, out-numbered ang mga pulis.

Bakit nga ba ayaw tirhan at iniiwan na nakatiwangwang ang mga bahay? Ayan tuloy, inakala ng KADAMAY na hindi n’yo gustong manirahan sa mga housing project kaya sila na lang ang titira sa mga vacant house.

Dapat nang ayusin ang problema at itanong sa concerned citizen kung type pa nila na manirahan sa natu­rang lugar.

Makikita sa mga nangyayari ang kawalang pag-asa ng tao, nawawala ang kanilang takot dahil sa mga pangangailangan. Ang katwiran nila, ayaw n’yong ibigay ang mga bahay, sige gulo kung gulo.

Sana maayos ang problema para hindi na maulit, hindi magkasakitan at walang masaktan.

Naalaala ko tuloy ang veteran actor na si Boy Alano na homeless na, ayon sa mga balita. Huwag sanang dumating ang araw na kasama na rin siya sa mga tao na gustong magkaroon ng bahay, kahit sa marahas na paraan.

Aktor true love ang nararamdaman sa mas matandang aktres

May nagkuwento sa akin na childhood crush ng aktor ang aktres na mas matanda sa kanya kaya maliga­yang-maligaya siya nang magkasama sila sa isang television show.

Sa kasamaang-palad, marami ang hindi boto sa aktres para maging girlfriend ng aktor kaya palihim ang pagkikita ng dalawa.

Ang friends ng aktor ang nagsabi na true love nito ang aktres, kesehodang malaki ang agwat ng kanilang mga edad.

AGA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with