^

PSN Showbiz

Teacher Georcelle tina-target pasayawin ang mga may despresyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Teacher Georcelle tina-target pasayawin ang mga may despresyon
Georcelle

Ngayong araw huling mapapanood ang G-Force Project 2018 Summer Dance Workshop sa The Theater ng Solaire. Dapat ay tatlong gabi lamang masasaksihan ang nasabing programa na nagsimula noong June 8 at 12 pero nagkaroon pa ng karagdagang palabas mamayang 1 p.m. dahil na rin sa kahilingan mula sa maraming manonood.

Masayang-masaya ang Founder at Artistic Director ng G-Force na si Teacher Georcelle Dapat-Sy dahil sa suportang natatanggap mula sa mga tagahanga ng kanilang programa. “I’m very happy, happy for all the students because they all got super excited when they found out that they will be performing twice,” bungad ni Teacher Georcelle.

Kakaiba ang G-Force Project ngayong taon dahil sa pagkakaroon o pagkakaugnay na rin ng social media sa bawat dance class. Ayon kay Teacher Georcelle ay malaking tulong ang paggamit ng social media upang labanan ang depresyon sa buhay ng mga tao. “Kids now are so into social media, and I said why not involve social media in our program? That’s why we’ve created what we called G-Force Project Live. This is a 2-hour session for six days and the last twenty minutes, that’s the time we go on air live on our Facebook page. The kids now, these are the digital age. The kind of parenting kasi now is, ‘Tama na ‘yan, tigilan mo ‘yang social media?’ Why not involve it? Isama natin ‘yan sa growth nila. Sa twenty minute na klase namin with the kids, the parents of the kids, they get to see what their kids are doing inside the dance studio.

“They would have an overview on what kind of dance they do and how passionate their kids are, makikita nila ‘yon online. Babasahin namin ‘yung mga nagpa-popout na messages. Then I ask them, kapag nakakakita kayo ng bad messages how will you react? Will you feel sad? Depression is such a big word. Depression is such a strong word? Do you even know what that means? You can always say that you’re sad. Extreme sadness, that’s what depression is. But the kids, they love the term. It’s like humbhaaam! Hindi na siya mabigat na word,” paliwanag ni Teacher Georcelle.

Para kay Teacher Georcelle ay maraming magagandang bagay ang naidu­dulot ng pagsasayaw sa bawat taong gumagawa nito. “Nagiging outlet ito ng maraming tao, not just kids. We have classes for three years old, we have classes for sixty years old. Lalo na meron tayong quarter life crisis na tinatawag, mid-life crisis. This is an outlet and dancing really releases happy hormones. Magsayawan na lamang po tayo and stop comparing our lives on what we see on filtered lives of others. ‘Yan po ang aming advocacy dito sa G-Force Project, pasayahin ang lahat at i-release lahat ng happy hormones,” giit pa niya.

vuukle comment

GEORCELLE DAPAT-SY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with