Pedro Penduko ni James gagawing world class, Nadine gaganap na maria makiling
Handang-handa na si James Reid sa Pedro Penduko.
Kahapon ay super trending ang training ni James at ang launching nito kung saan hindi na lang Viva Films ang producer, ka-partner na nila ang Cignal at Epik Studios na magtutulung-tulong para maging world class ang super hero movie ni James.
At ito, kasama rin sa movie si Nadine Lustre na gaganap na Maria Makiling.
Ididirek ni Paul Basinilio ang modern version ng Pedro Penduko na ipapalabas sa 2019.
Robin namimigay ng datung sa di kakilala, actress na feeling superstar gumagastos ng p35,000 per night
Puring puri ng workers ng isang holistic wellness resort ang actor na si Robin Padilla. Bukod sa mabait, generous pa raw kasi. Lahat daw ng staff ng nasabing wellness resort, tsinitsika nito at inaabutan ng datung. Basta raw may madaanan itong worker sa nasabing resort, give agad siya ng datung with matching tsika.
Kaya naman wish nila, mas marami pang blessings na dumating sa aktor dahil nagsi-share ito sa nangangailangan.
Kabaliktaran naman ito sa isang aktres na naging guest nila. Super suplada raw nito at hindi palabati.
Very cold sa mga worker at zero percent ang PR. Kaya hindi raw sila nag attempt na magpa-picture kahit kating-kati raw silang maka-selfie ito.
Iba naman ang drama ng isang hindi masyadong sikat na aktres na nagpi- feeling superstar pag nandun. Titira raw ito sa isang villa worth P35,000 per night at saka parang buhay reyna as if pag aari niya ang nasabing resort habang palakad-lakad.
Ang isang actress naman daw ay nagtatago. Hindi lumalabas ng room niya at pag may treatment lang lumalabas.
Mala-paraiso ang nasabing lugar na wala kang gagawin kundi ang mag-recharge at magtanggal ng lahat ng toxins/stress sa katawan na pati kakainin mo ay pawang healthy. Yun nga lang, hindi mura, pang mayaman talaga ang presyo.
Wishcovery winners, magpapakitang gilas na…
Nagbabalik sa Smart-Araneta Coliseum ang rising singers na sina Princess Sevillena, Kimberly Baluzo, Louie Anne Culala, Carmela Ariola, at Ace Bartolome sa darating na Martes (Hunyo 19) para sa kanilang pinakahihintay na Wishful Journey concert – ang unang major project nila bilang ganap na artists matapos magwagi sa online singing competition ng FM station na Wish 107.5.
Kasabay nito ang paglulunsad ng kanilang debut album bilang Wishful 5 mula sa Star Music, kung saan tampok ang 18 original at revival tracks.
Ang mga baguhang belters ang naging top contenders sa nakaraang online singing competition na Wishcovery: Your Road to Stardom Starts Here na umere sa YouTube channel ng Wish 107.5 mula Setyembre 2017 hanggang Marso 2018.
Nakakuha silang lahat ng two-year recording contract mula sa Star Music at five-year management deal sa ilalim ng Breakthrough and Milestones Productions International, ang content provider ng Wish 107.5.
“Hindi ko na-imagine na mangyayari itong lahat sa akin sa loob ng isang taon – ang manalo sa malaking contest, magkaroon ng sariling album na ilulunsad pa sa Big Dome. Nandyan ang pressure ngunit naniniwala ako na mapapasaya namin ang mga makikinig sa ihinanda namin,” pagbabahagi ng Wishcovery grand winner na si Princess.
Mapapanood din ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino, ang Asia’s Phoenix na si Morissette, ang R&B Prince na si Kris Lawrence, ang R&B heartthrob na si Daryl Ong, at ang Pilipinas Got Talent Season 6 grand winner na si Kristel De Catalina bilang special guests sa nasabing concert.
Ilang araw bago pa man maganap ang pinakahihintay na show, inilabas na ng Star Music ang collaborative single ng Wishful 5, ang Patuloy Ang Pangarap, sa digital platforms. Mapapanood na rin ang lyric videos ng mga awitin ni Princess na kabilang sa Wishful Journey album – ang Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Walang Kasing Ikaw at Pangarap Kong Bituin – sa Star Music YouTube channel.
Ginanap rin sa Big Dome ang final sing-off ng Wishful 5 noong Marso. Bilang grand champion, tumanggap si Princess ng cash at kontratang may halagang P2 million, bahay at lupa, brand new car, at round trip ticket para sa New York para sa isang musical training. Kinilala namang first runner-up si Kimberly, habang sina Louie Anne, Carmela, at Ace ang tinanghal na second, third at fourth runner-up.
Maging bahagi ng Wishful Journey ng Wishful 5 sa darating na Martes (Hunyo 19),7 PM. Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph.
- Latest