^

PSN Showbiz

Chinese TV series ipalalabas sa state-run PTV4

Pilipino Star Ngayon
Chinese TV series ipalalabas sa state-run PTV4

MANILA, Philippines — Kabahan na ang mga Koreanovela at US series dahil sa pagdating ng Chinese TV series, documentaries, cartoons at pelikula na ipalalabas sa istasyon ng gobyerno na PTV-4.

Ayon sa embahada ng China nitong Miyerkules, wala pang tiyak na araw kung kailan sisimulan ang pagpapalabas ng mga ito.

Sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na makatutulong ang mga naturang palabas upang mas maintindihan ng mga Pilipino ang kultura at kasaysayan ng China.

Ilan sa ipalalabas ay ang drama na "Feather Flies to the Sky," at ang 2014 film "Beijing Love Sory."

"Reform and opening up really represented a strategic move to mobilize each and every Chinese striving for his or her personal happiness, for his or her family welfare, and for his or her national development. This is known as the 'Chinese Dream,'" wika ni Zhao.

"Please stay assured, in this grand cause, China was, is and will always be standing together with the Philippines as friend and partner, in realizing the Dream of the Philippines," dagdag niya.

Ikinatuwa naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pagdating ng Chinese media paltforms sa Pilipinas.

Nitong Abril lamang ay nagbigay ng P140.8 milyon ang gobyerno ng China upang mapaganda ang kagamitan ng state media.

 

PTV4

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with