Paulo gustong ipakilala si Goyo

Paulo

Noong Independence Day ay kasamang pumarada sa Rizal Park ang pangunahing bida ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na si Paulo Avelino.

Mapapanood na sa mga sinehan ang nasabing pelikula simula September 5. Maituturing daw ng aktor na ito na marahil ang pinakamalaking proyekto na kanyang nagawa.

Umaasa umano si Paulo na makikilala ng mga batang henerasyon ang baya­ning si Gregorio del Pilar na kanyang ginampanan sa nasa­bing historical film.

“Gusto ko ipakilala hindi lang si Goyo kundi pati ibang bayani natin na tao lang sila tulad natin na nagkakamali rin at hindi perpekto,” nakangiting pahayag ni Paulo. Pinag-aralang mabuti ng aktor ang pagsakay sa kabayo dahil sa mga eksenang kailangang gawin sa pelikula.

“Medyo over-trained ako para sa mga eksena. Over-trained dahil ang teacher namin si Teacher Violet medyo advanced na masyado ang tinuturo niya sa amin,” giit ni Paulo. Masusing pagsasaliksik ang ginawa ng buong production team upang mapaganda at mas maging makatotohanan ang bawat eksena sa pelikula, “Properly researched at may mga pinagbasehan din naman pero di natin masasabi kung ano ang exact na itsura niya in person,” pagtatapos ni Paulo.

Lee at Pokwang inaayos na ang kanilang forever 

Aminado si Lee O’Brian na mas minahal niya ngayon ang kasintahang si Pokwang kumpara noong bago pa lamang sila magkarelasyon.

Tatlong taon nang magkasintahan ang dalawa at nabiyayaan na rin ng isang anak noong Enero.

Mas nagsusumikap daw ngayon si Lee para sa kinabukasan ng kanyang mag-ina, “I will be there everyday, be there consistently constantly show up and my plan is to be with her and Malia and work on that thing called forever. Araw-araw maraming trabaho pero sobrang sulit,” naka­ngiting pahayag ni Lee sa Magandang Buhay kahapon.

Ayon naman kay Pokwang ay talagang responsableng ka­sintahan ang aktor at bilang tatay ng kanyang anak. Maraming mga bagay na rin ang natutunan ng aktres mula kay Lee, “Sa kanya ako natuto na maging mapagtimpi. ‘Yung habaan ko ang pasensiya, sa kanya ko natutunan ‘yon. Di ba dati kapag single ka feeling mo kaya mo lahat? Pero may kahinaan ako sa sarili ko na siya ‘yung nagpuno. Siya ‘yung nagturo sa akin na maging malakas sa part na ‘yon. So he’s really important in my life and Malia’s. He’s my Papang, Malia’s Papang,” makahulugang pahayag ni Pokwang.

Show comments