^

PSN Showbiz

Heart hindi pa nakaka-recover sa naranasang miscarriage, nakakulong lang sa bahay

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart hindi pa nakaka-recover sa naranasang miscarriage, nakakulong lang sa bahay
Heart

Ayaw pa ding tumanggap ng trabaho

Hindi pa pala nakaka recover si Heart Evangelista sa dinanas niyang miscarriage recently.

Wala pa itong paramdam sa social media matapos nga siyang makunan sa panganay sana nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa isang malapit sa actress, namamahinga lang daw ito sa bahay at malungkot pa rin sa nangyari. Pero regular daw ang check up nito sa doctor na madalas ay sinasamahan ni Sen. Chiz bilang wala raw itong masyadong activities lately dahil nga naka-session break ang Senate.

Saka ayaw muna raw nitong makabasa ng mga negative comments kaya pahinga talaga sa social media si Heart. Matatagalan pa raw ito bago maging active uli.

Hindi rin daw muna ito tatanggap ng kahit anong trabaho at on hold pa ang sanay pagpirma ng kontrata sa GMA 7.

Last Monday sana ay pipirma na siya ng management contract with GMA. Pero dahil nga sa nangyari ay naudlot ito.

Pero aalis si Heart next month para raw sa pictorial ng kanyang endorsement sa isang sikat na leather brand.

Binabantayan naman si Heart ni Sen. Chiz at ng kambal na anak ng senador na grabe rin ang naging sadness sa pagkawala sana ng magiging kapatid nila ayon sa malapit sa mag-asawa.

Dapat talaga. Mahirap mauwi sa depression ang nararanasan ni Heart.

Tres nalilito sa 72 hours

May kukunan pang malalaking eksena ang isa sa tatlong episode ng pelikulang Tres.

Tatlong episode ang Tres na pinagbibidahan ng magkakapatid na Jolo, Bryan and Luigi.

Ang episode ni Jolo ay 72 Hours, kay Luigi ang Amats and Virgo ang kay Bryan.

Maraming nalilito sa title, pero ayon sa isang nakausap ni former Sen. Bong Revilla, Tres talaga ang title nila although pag maganda raw ang feedback ng 72 Hours, puwedeng i consider nila. Ang Star Cinema ang magre release ng movie na produced ng Imus Productions.

Malamang na isali nila ang Tres sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na gaganapin from August 15 to 21, kung saan mapapanood ang mga pelikulang kasali for one week na walang kasabay na foreign films.

Ang PPP ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at nasa ikalawang taon na ito.

Anne at dingdong nakikipagsabayan sa bagyo ang pananalasa

Dalawang Wednesday nang walang palabas na Tagalog films.

Kaya jackpot talaga ang Sid & Aya na walang nakatapat na pelikula, mapa indie o mainstream.

Anyway, holiday pa kahapon, Independence Day, kaya tiyak na nadagdagan pa ang P132 million for 13 days nilang kinita. Holiday din sa Friday, end of Ramadan, kaya tiyak na lolobo pa ang box office income ng Anne Curtis and Dingdong Dantes movie.

Pero teka bakit nga kaya parang mas matumal ngayon ang pagpalalabas ng Tagalog films?

RA naglabas ng tips para masigurong ligtas

True na importanteng maging maingat tayo para masiguradong ligtas ang buong pamilya sa mga peligro lalo ngayong balik-eskwela na ang mga bata. Alamin ang safety tips na magagamit sa loob at labas ng paaralan ngayong pasukan mula sa Red Alert, ang 2018 KBP Golden Dove Awards Best TV Public Service Program. At kailangan pang double ingat dahil bumabagyo pa. Heto ang 10 tips ng RA.

 1.    Turuan magsumbong ang mga bata. Kapag nakaengkwentro ng mga bully, turuan ang mga bata na magsumbong sa guro o sa guidance counselor, at ipaalam kaagad kung may nagaganap na bullying o rambol.

2.    Ituro ang tamang asal. Ayon sa psychologists, sa tahanan nagsisimula ang disiplina. Mahalagang malaman ng mga bata na mali ang pambubugbog o pananakot.

3.    Paalalahanan ang mga anak na huwag makipag-usap at sumama sa hindi kakilala upang makaiwas sa modus ng kidnaper o magnanakaw.

4.    Sunduin ang mga anak sa eskwelahan o magpasabay sa ibang kaklase kung maglalakad mag-isa para hindi magmukhang mag-isa at mapagsamantalahan ng mga kriminal.

5.    Dumaan sa ruta na pamilyar sa iyo at huwag sa madidilim na eskinita  upang masiguradong hindi ka maliligaw at maging lapitin ng magnanakaw.

6.    Magdala ng pocket flashlight kapag hindi maiiwasang dumaan sa madidilim na eskinita o lugar.

7.    Iwasan gumamit ng cellphone kapag naglalakad dahil takaw-peligro ito kapag napansin ng mga magnanakaw.

8.    Huwag nang makipagbuno sa mga magnanakaw kapag na-hold-up, lalo na kapag ikaw ay nag-iisa lamang. Mainam nang ma­ging ligtas kaysa manlaban.

9.    Sakaling manakawan, kabisaduhin ang identifying marks o pagkakakilanlan ng magnanakaw. Makakatulong ito sa imbestigasyon kung mailalarawan nang mabuti ang suspek. Obserbahan ang tangkad, damit, gamit na sasakyan, o ibang identifying marks.

10. Kaagad i-report o ipa-blotter sa barangay kapag nanakawan upang maimbestigahan ang insidente.

Para sa safety tips sa oras ng krimen o kalamidad, subaybayan ang  Red Alert kasama si 2018 KBP Golden Dove Awards Best TV Public Affairs Program host Jeff Canoy tuwing Miyerkules, 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng  Bandila sa ABS-CBN.                                                    

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with