Mayor Lani naapektuhan sa ginawa ni Cesar
Mother Lily nakalimot sa award na tinanggap
PIK: Kahit wala pa ring tigil ang ulan dala ng buntot ng bagyong Domeng pero kailangang ituloy pa rin ang shooting ng Walwal ng Regal Films.
May playdate na kasi ito kaya kailangang tapusin na at mabuti at cooperative naman ang mga bagets na bida ng pelikulang ito ni direk Joey Reyes.
Kahit nag-uulan pa rin kahapon ay kasama naman si Paulo Avelino na nagparada sa Rizal Park para sa 120th Philippine Independence Anniversary.
Naka-Gregorio del Pilar character si Paulo para na rin sa promo ng pelikula niyang Goyo na magsu-showing na raw sa September.
Nasa Lapu-Lapu City naman sa Cebu si Alden Richards para sa pagdiriwang ng ating Araw ng Kasarinlan, at kinahapunan ay tampok ang Pambansang Bae sa Kapuso night sa Talisay City, Cebu.
Simula na rin iyun ng promo ni Alden ng bagong serye niyang Victor Magtanggol.
PAK: Muntik na bang magtampo si Mother Lily Monteverde kay Liza Dino-Seguerra ng Film Development Council of the Philippines?
Nakalimutan kasi ni Mother Lily na siya ang unang pinarangalan bilang Ina ng Industriya ng Pelikula sa Pilipinas.
Nawala sa isip niyang siya ang kauna-unahang recipient ng naturang parangal na ipinamahagi ng FDCP.
Naimbitahan kasi siya sa parangal kay Manay Ichu Vera-Perez Maceda na iginawad sa Cinematheque Center nung nakaraang Sabado, June 9. Parang nagtatanong siya sa sarili kung bakit siya ay hindi pa ginawaran ng ganung parangal.
Si Manay Lolit Solis naman na lahat ay gagawin para kay Mother Lily, kaagad tinawagan si Liza para hilingin kung puwede bigyan din ng ganung parangal ang Regal matriarch.
Kaagad sinagot siya ni Liza na si Mother ang kauna-unahang ginawaran ng naturang award nung nakaraang taon. Napahiya tuloy si Manay Lolit, dahil ang buong akala niya nakalimutan na si Mother Lily.
Pero sa totoo lang, kahit ulit-uliting ipamigay itong parangal kay Mother Lily, at pati na rin kay Manay Ichu, deserved nila ito dahil sila lang naman ang iilan sa talagang may concern sa ating movie industry para lalong palakasin pa ito.
BOOM: Matinding pressure ang inabot ng Bacoor Mayor Lani Mercado habang binubuo itong International Marching Band na first time na ihu-host ng ating bansa.
Kilala kasi ang Bacoor sa marching bands at ito ang isa atraksyon ng naturang bayan na ina-acknowledge ng Department of Tourism.
Ngayon ay nabuo ng Bacoor ang 1st International Marching Band Competition na magsisimula sa June 22 hanggang sa 24.
Katulong niya rito ang lungsod ng Maynila dahil sister city kasi ito ng Bacoor at pinirmahan nila ito ni Mayor Joseph Estrada.
Ang isa sa ikina-pressure nang husto ni Mayor Lani ay ang pag-resign ni Cesar Montano sa Tourism Promotions Board na isa pala sa major sponsor ng naturang event.
Malaking epekto pala itong pagkatanggal ng dating DOT Sec. Wanda Teo at sumunod ngang nag-resign ay si Cesar.
Ani ni Mayor Lani; “Pero God is good, may ilang kumpanyang tumulong sa amin na nagbigay ng sponsorship. Kaya kami po ay nagpasalamat sa kanilang tulong.
“So, rain or shine at kahit nagkaroon ng konting problema sa Department of Tourism, tuloy po ang 1st International Marching Band Competition, ang Bacoor International Music Championship.”
Inimbitahan naman daw nila ang bagong DOT Secretary Berna Puyat at pati ang OIC ng Tourism Promotions Board na maging bahagi ng malaking event na ito.
Labing isang bansa ang sasali sa naturang international competition at magkakarooon din ng patimpalak ang lahat na mga marching bands natin na nagmula sa 23 na probinsya.
Gaganapin ang opening nito sa Quirino Grandstand sa June 22 at magku-culminate ito sa June 24 na gaganapin sa SM MOA Arena na dadaluhan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest